Kabanata 31 Hope Napapunas ako sa aking luha. Umiiyak din si Nana. "Jullian, alagaan niyo si Arcise ha." Aniya kay Jullian. Nilingon ko ang silid kung saan ako natutulog at kung saan ako palihim na umiiyak sa bahay nina Nana at Mang Ruperno. "I will, Nay. Mag-ingat din po kayo dito, okay?" Niyakap ko si Nana sa huling pagkakataon. Hidi ko na nagawang magsalita kaya niyakap ko na lang siya nang mahigpit. Sana maramdaman niyang nagpapasalamat ako ng lubus-lubos. Wala akong dalang bag nung pumunta ako dito, kaya uuwi din akong walang dala. Libo-libong pangyayari ang pumasok sa aking isipan. sa libo-libong ito, isa lang ang nangingibabaw. Ang mukha ni Red at at mukha ni Nadia. Paano kaya kapag bumalik ako ay siya naman ang makikipaghiwalay sa akin? paano kaya kung papipiliin ko siya a

