MARTHA'S POV
"Ateee! Sigaw sakin nang kapatid ko.
"Oh ano nanaman problema mo!" sigaw ko den sa kanya.
"Andyan yung mga kaibigan mo!" pasigaw parin.
"Ba't kailangan mo pang sumigaw? Sampalin kita e" sabi ko sa kapatid ko
Ganyan lagi naming pustura sa bahay laging may sigawan pero kahit ganon masaya naman.
"Oh bat andito kayo?" tanong ko sa dalawa.
Si Stacey at Altricias yan yung mga best friends ko lagi kaming na tambay kila Ashley minsan nag sleep over na rin kami Don sa bahay nila.
"Wala lang masamang bumisita" Sabi ni Stacey.
"Di naman" sagot ko.
"Sunduin nyo ako bukas ha" sabi ko.
"Lagi naman" sagot ni Altricias.
Classmates kase silang tatlo kasama na syempre yung kapatid ko.
Pumunta lang pala tong mga to dito para magyaya na maglaro sa rpw.
"Oyyy te! Laro tayo" sabi sakin ni Stacey.
"Haynako sabi ko na pumunta lang kayo dito para magyaya nang larong ganyan e"sabi ko.
Naglalaro kasi kami minsan nung sa RPW or ROLE PLAY WORLD mahilig kami Don kase nakaka hanap kame nang mga bagong kaibigan,natututo nang mga kung ano ano pero masaya kase pede mong ilabas kung ano ka talaga dahil walang manghuhusga sayo.
"Sige na te!" sabi sakin ni Stacey.
"Okay, Okay" Saad ko.
Gumagawa kami nang RP para may magawa kami dahil bored na kami masyado at yun na nga nag lalaro na kami.
"Ate ikaw na!" sabi sakin ni Stacey.
"okay" Saad ko.
Na spin ko na yung bottle then tumapat sya kay Altricias.
"oyy kay Altricias HAHAHAHA" sabi ko habang natawa.
"nubayan andayaaaaa!" sigaw nya pa.
"hoy anong madaya, gawin mo na utos ko" saad ka sa kanya.
"sige na nga" saad nya.
At nag iisip ako nang utos nang biglang tumunog yung cellphone ko.
"ayyy wait lang ha" sabi ko sa kanila.
"nubayan, sige na nga" sabi ni Stacey.
At pag tingin ko sa cellphone ko nakita ko na may nag chat sa GC namin.
Yun yung group na nag a update samin about sa k-pop group na BTS na ini-stan namin nang mga kaibigan ko.
At pag tingin ko nga sobrang saya ko dahil pupunta sila dito sa pilipinas, grabe nag tatatalon at nag sisisigaw ako sa saya.
"ano ba yan ate ang ingay mo e"sabi ni Stacey.
" be pupunta daw ang BTS dito sa pinas"sabi ko.
"Oh my gosh! Legit ba yan ate?" tanong nya saken na parang nagtataka.
"malamang lolokohin ko pa ba kayo!" sagot ko sa kanya.
"Oh my gosh! Totoo nga nabasa ko nag post ang bighit!" pasigaw na sabi ni Altricias.
"so ano sunduin nyo na lang ako bukas at mag aayos pako nang susuotin ko" saad ko sa kanila.
"Umuwi na kayo" dagdag ko pa.
"Okay te" sabi ni Stacey.
"sige una na kami" sabi naman ni Altricias.
"sige" saad ko.
At tumakbo nako paakyat sa taas nang kwarto ko at nag ayos nang susuotin ko para bukas, at exited na ako.