TAMIE Nagpresenta siya na maghugas ng pinagkainan naming dalawa. Nagbihis muna ako bago nagmamadaling umakyat ng silid at nag-locked ng pintuan. Hindi ko na nga nagawang kunin ang punit na panty ko sa pagmamadali kong umalis sa harap niya. Pagkatapos ng nangyari ay parang ayoko na magpakita sa kanya. Ngayon ko napag-isip-isip ang kahihiyan sa mga binitiwan kong salita sa kanya. Ako pa talaga ang nanghamon na maging demonyo siya sa akin. Syempre, womanizer ang lalaking iyon at eksperto siya pagdating sa pakikipag-s*x. Naglinis ulit ako ng katawan at nagpalit ng damit saka tinungo ang balkonahe. Napaawang ang labi ko ng makita ko mula rito ang malinaw na tubig at malaking pool. Parang gusto ko magbabad sa tubig at lumangoy ng walang humpay. Pero gusto ko muna magpahinga dahil parang pagod

