TAMIE Maya't maya ang sulyap ko sa magkapatid habang nag-uusap sa sala. Nakabukas ang pintuan at kitang-kita sila mula rito sa silid. Tinutulungan ako ni Ate Taniella na ayusin ang gamit ko dito sa silid. Kapag akma siyang titingin sa akin ay kaagad kong tinutuon ang atensyon sa aking ginagawa at nagkukunwari na hindi ko alam na nakatingin siya sa akin. Simula ng dumating siya ay hindi ko na malaman ang gagawin ko. Parang naging awkward pagkatapos ng hinalikan niya ako at nakita pa ng mag-asawa ang ginawa niya. Nakakahiya! Napakunot ang noo ko ng napansin ko si Ate Taniella na napapangiti ito. Akala ko ay galit ito dahil kanina pa ito tahimik pero bakit napapangiti ito ngayon? “Bakit, ate?” hindi nakatiis na usisa ko. “Wala lang. Natatawa lang ako sa ginawa ni Rhann,” sabi nito sa g

