TAMIE Marahan akong kumilos ngunit napangiwi ako ng maramdaman ko ang pananakit ng aking katawan. Hindi ko alam kung saan parte pero dama ko ang sakit ng katawan ko. Unti-unti kong minulat ang mata ko. Nag-angat ako ng mukha at nilibot ang paningin sa kinaroroonan ko. Hindi ako sigurado pero parang nasa isang silid ako na walang ibang makikita kundi puro pader dahil walang kahit na anong bintana sa loob. Kumunot ang noo ko ng tila may nahagip ang mata ko kaya binalikan ko ito. There was a CCTV camera installed inside the room! Where am I? Kumilos ako ngunit nagtaka ako dahil hindi ako makagalaw, na kahit ano ang gawin ko ay tila may pumipigil para hindi ako makaalis. Binaba ko ang mukha ko para tingnan kung bakit hindi ako makakilos ngunit bigla naman akong nabahala sa nakita ko a

