TAMIE “Ate, hindi ka po papasok?” Nagmulat ako ng mata sa tanong ng kapatid ko. Napangiti ako ng makita ko ito sa harap ko, nakasuot na ito ng uniform nito. Niyakap ko ito at hinagkan sa noo. “Papasok ako, Tris,” inaantok na sagot ko. “Bangon na po, ate. Male-late ka na po.” Kumalas siya sa pagkakayakap ko. Tiningnan ko ang oras sa phone ko. Nanlaki ang mata ko at biglang bangon. Sa ginawa ko ay nahulog ako sa kama dahil nasa edge na pala ako nakapwesto ng higa. Malakas ang naging tili ko ng bumagsak ang katawan ko sa sahig. Narinig ko pa ang tawag sa akin ni Tristan pero dahil sa sama ng bagsak ko at tumama pa ang ulo ko sa bedside table ay daing ko na lang ang maririnig sa apat na sulok na silid. “What happened?” Si Kuya Rhann. “Nahulog po si Ate Tamie,” sagot ng kapatid ko.

