TAMIE Binalingan ko si Keffie, baka may alam ito kung bakit narito si Prince. But she shrugged her shoulder and shake her head for an answer. Ibig sabihin ay wala rin itong alam kung bakit ito narito. “Hi,” nakangiti niyang bati sa akin. “H-hi. Anong ginagawa mo rito, Prince?” Pilit akong ngumiti sa harap niya. Ayoko isipin niya na hindi ko gusto ang bastang pagsulpot niya sa harap ko. “May binili lang ako sa isang boutique. Then, nakita ko kayo rito.” Kumunot naman ang noo ko dahil wala naman akong nakitang dala nito. “Nasaan ang binili mo, Prince?” Napansin din pala ni Vergie. “Oh, that. Nasa kasama ko. Binigay ko sa kanya. Pinauna ko na kasi sa parking.” Tumango-tango si Keffie. Pasimple ko tinapunan ang kabilang mesa na kinaroroonan ng tatlo. Nakatingin si Allen at Lekaio

