Nag maneho na papunta sa kumpanya si Viserra at pinark na ang sasakyan na dala sa parking lot, tinignan niya ang itsura niya sa salamin bago tuluyang bumaba. “Magandang umaga ma'am.” yumuko ang guard pag pasok niya sa kumpanya. “Magandang umaga, kuya." sambit ni Viserra at nilagpasan na ang guard, pinag titinginan siya ulit pero hindi niya pinansin ang mga bulungan. Umapak na siya patungo sa elevator at pinindot ang floor ng opisina niya, pagka bukas ng elevator, lumabas na siya at dere deretsong pumasok sa opisina. Huli na niya nang mapansin na may bisita pala si Deimos, rumahan ang hakbang niya nang makitang naka tingin ang mga lalaki kay sakanya. “Good morning?” patanong na sambit ni Viserra nang hindi pa rin naalis ang tingin sakanya ng mga lalaki. “Good morning miss.” bati

