“Viserra, my dear.” sambit ng isang babae na kakarating pala mang sa chapel na pinag dadausan ng burol ng mag asawang Marlowe.
Humigpit ang hawak ni Sapphire kay Viserra, walang reaksyon itong tumingin sa tiya niyang bagong dating.
“Greetings, how are you auntie?” tanong ni Viserra habang naka tingin sa dalawang kabaong na nasa harapan.
“I am more then fine dear, I'm sorry for your loss.” sambit nito kay Viserra, hindi man lang ngumiti si Viserra kaya panis ang ngiting ibinigay ng babae.
“Do you want to live with us for the meantime? you know, for you not to be lonely.” sambit ng tiyahin niya.
“No thanks auntie, I am fine. I have Sapphire with me, don't worry about me.” sagot ni Viserra.
“You don't want to live with your cousins?” huling tawad nito kay Viserra.
“I don't, they're not my cousins remember? They're not even your kids.” walang pakundangang sambit ni Viserra, nawala naman ang ngiti ng tiyahin ni Viserra at akmang sasampalin nito ang bata, pero mabilis naka kilos ang mga tauhan ni Viserra at napigilan ang babae sa balak gawin.
“You insolent child! you deserve to be a f*****g orphan!” sigaw ng babae.
“You don't deserve my parent's money, pretending to be kind for what? I don't need your pity, paalisin niyo ang walang kwentang ’yan dito." Sambit ni Viserra at tumalikod na.
Umupo si Viserra sa upuan katabi ni Sapphire, nakangiting niyakap ni Sapphire ang batang katawam ni Viserra.
“Everything will be okay, Vis. God is with you don't worry.” sambit ni Sapphire. Tumango si Viserra at hindi niya namalayan nakatulog na pala ito.
Nandoon lamang si Sapphire naka titig sa litrato ng dalawang amo niya na tumulong sakanya makapag tapos ng pag aaral dito sa portugal.
“Thank you for giving me a beautiful life, ma'am sir, I promise to guide your daughter until the end.” sambit ni Sapphire at pinunasan ang luhang nag landas sa pisnge niya.
Nang masigurado ni Sapphire na mahimbing na ang tulog ng bata, dahan dahan niyang ginalaw ang katawan niya para maka higa si Viserra, simula nang dausin ang burol ng kanyang mga magulang, wala na itong tulog na maayos.
Tumayo si Sapphire nang makita kung sino ang papasok sa chapel, hinintay niya itong makarating sa kabaong ng amo niya, baka talagang pag dalaw ang pakay nito.
“Where’s Viserra, Sapphire?” walanghiyang tanong nito, natawa ng pagak si Sapphire nang mapag tantong anong pakay ng animal na nasa harapan niya.
“Natutulog ang bata, kung balak mo siyang kunin, hindi siya sasama sa'yo.” mariing sambit ni Sapphire.
“Oh you're wrong dear, she'll come home to me.” pilit na sambit nito.
“No, she won't. Don't be persistent, hindi rin naman siya sasama sa'yo kahit gisingin mo pa ang bata, kaya umalis kana bago pa kita ipa kaladkad palabas.” tinuro ni Sapphire ang daan palabas ng chapel.
“Don’t be ridiculous Sapphire, who are you anyway? You don't have the rights to take care of Viserra.” sambit ng lalaki at tinawag ang mga tauhan nito.
“Take Viserra!" Mando nito sa mga tauhan niya.
“Victor” tawag ni Sapphire sa tauhan ni Viserra, agarang tinutok ng mga tauhan ni Viserra ang baril ng mga ito sa nag pipilit kunin ang bata.
“Go home, uncle. I won't go home with you, you're just wasting your time.” sambit ni Viserra at umayos ng upo.
“You need a family now Viserra, and I can give that to you.” sambit nito.
“I already have Sapphire, don't let me demand my people to take you out of here with violence, you won't get my parent's money, and tell that to your other siblings.” malamig na sambit ni Viserra, bigong umalis ang tiyuhin ni Viserra kasama ang mga tauhan nito.
“How is —" hindi na natuloy ni Sapphire ang sasabihin nito nang mag salita si Viserra.
“How are you Sapphire?” tanong ni Viserra, nag tatakha namang lumapit si Sapphire sa bata.
“I’m fine Vis, how's your sleep?” nakangiting tanong ni Sapphire sa bata.
“After seeing his face, how are you?” tanong pa rin ni Viserra.
“What do you mean, Vis?" Nakangiting tanong ni Sapphire sa batang naka tingin sa kabaong ng kanyang mga magulang.
“He raped you right? That asshole.” bulong ni Viserra.
“Yes, he did.” bulong na sagot ni Sapphire.
“Hindi lang ikaw ang ginanon niya, I saw one of our maid before, she's crying and I saw blood stain on her clothes, hindi ako bobo para hindi ko malaman ang nangyari. Binubulong ng babae na papatayin niya ang tiyuhin ko, umalis ako papunta sa kusina at kumuha ng kutsilyo, inabot ko ito sa babae at sinabi kong ituloy niya ang plano niya. Sadly, hindi napuruhan ang halimaw na ’yon.” bulong ni Viserra, mababakas ang pait sa tinig ng bata.
“Ang kapal ng mukha niyang magpakita pagkatapos ng kasalanang ginawa niya.” bulong ni Sapphire at niyakap si Viserra.
“Ako mismo ang papatay sakanya, Sapphire. Tandaan mo, pangako ko sa'yo ’yan, mababalitaan mo nalang ang pag kamatay niya.” bulong ni Viserra, napatulala si Sapphire sa mga salitang binitawan ni Viserra.
Nag isip si Sapphire kung ano nga ba ang naging buhay ng batang ito? Bakit parang may isang beryson ni Viserra na naka kubli sa katawan nito?
Iilan pa ang mga kamag anak na pumunta sa burol ng mga magulang ni Viserra, pero walang naka kuha kay Viserra. Nag dagdag ng tauhan si Sapphire sa chapel dahil palala na nang palala ang pagiging agresibo ng mga kamag anak ni Viserra.
“I already told you auntie, I won't come home with you. Stop your f*****g aggressiveness, go work your ass out to have the same amount of money that my parents have, that's what you got after marrying early, flirt.” maanghang na sambit ni Viserra, hindi na naka sugod pang tiyahin ni Viserra dahil inakay na ito palayo ng mga tauhan na nag babantay.
“Ilang kamag anak pa ba ang pupuntahan ka rito? Hindi na sila nadala, ilang araw na ang burol ng parents mo, pero ni isa sakanila wala man lang pumunta na pakiki burol talaga ang dahilan.” naiiling na sambit ni Sapphire.
“That’s their nature of course, mga gahaman sa pera, mga uhaw sa pera. Kaya kahit ang batang isang katulad ko, hindi nila gustuhin pang palampasin.” sagot ni Viserra habang naka lagay ang dalawang kamay nito sa likod ng katawan niya at naka dungaw sa kanyang ina.
“Pinalaki ba sila ng lolo at lola mo ng ganyan? Maging sakim? Lola mo nalang ang nadatnan ko noon, mabait ang lola, mo kitang kita ko paano ka niya tignan na punong puno ng pag mamahal, sa mansyon niyo siya nag lalagi noon, dahil malungkot daw sa bahay niya dahil wala ni isa sa mga anak niya ang dumadalaw kung hindi ang mama mo, kaya siya na ang tumira sa bahay niyo para mabantayan ka.” kwento ni Sapphire.
“How is she as a grandparents, Sapphire? I know my parents loved you just like their own daughter.” sagot ni Viserra.
Matamis na ngumiti si Sapphire at pinag masdan si Viserra.
“Mabait ang parents mo, Vis. Akala ko noon hindi sila magkaka anak dahil ang tagal na nilang humihiling ng supling pero hindi pa rin sila mabiyayaan, inampon nila ako, pinag aral, at minahal na parang anak, kasama na roon ang lola. Kaya noong dumating ka sa buhay namin, sobrang saya namin, kasi sa wakas nagka supling na ang parents mo. Pero kahit ganoon, hindi nila pinaramdam na sampid ako, pantay ang pag mamahal na binigay nila sa'yo at sa'kin, walang nag bago.” kwento ni Sapphire, ngumiti si Viserra at tumingala at nag tagpo ang tingin nila.
“Why did you stop calling them mom and dad? I remember before, nag tatampo sa'yo si mommy kasi madame na raw ang tawag mo sakanya.” naka takas ang tawa sa mga labi ni Viserra, kaya ngumiti si Sapphire.
“Matampuhin ang mommy mo eh.” sagot ni Sapphire.
“It’s mom, ate. Our mom.” sambit ni Viserra, sa normal na tinig nito, ang pinaka malambing na boses sa tanang buhay ni Sapphire, parang umalon ang puso ni Sapphire sa narinig at naluha ito.