Maagang nagising si Viserra at bumangon, sa tagal niyang kinuha ang loob ni Deimos ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon patayin ito ng walang kalaban laban. Dahan dahang nag lakad si Viserra patungo sa ilalim ng kama at kinuha doon ang baril na matagal na niyang tinatago. Tinutok ni Viserra ang baril sa natutulog na Deimos at ngumisi. “Salamat sa mga panahong pina saya mo ako, pero hindi sapat ’yon para tigilan ko ang pag hingi ng hustisya sa pagka matay ng mga magulang ko. Akmang kakalabitin na ni Viserra ang gatilyo, bigla siyang nakaramdam ng parang hinahalukay ang tiyan niya, tinago niyang muli ang baril at tumakbo sa banyo, tahimik siya roon, at pinilit na huwag gumawa ng ingay. Ilang minuto pa ay natapos na ang pag susuka ni Viserra, o halos wala naman siyang isinuka. Na

