Chapter 9: My love where are you?

1076 Words
Kasalukoyang naglalakad si Rose pababa ng hagdan, malapit na ang takip silim, maluluha lamang sya sa oras na masaksihan iyon kaya minabuti nyang bumaba nalang. Ngunit bago pa man sya makababa ay nakasalubong nya ang isa sa mga tauhan ng barko, dala nya ang isang log book, mukhang naglalaman iyon ng listahan ng mga pasahero. "Sandali." pigil nya dito. "M-Miss Rose Dewitt Bukater." yumuko ito, nakakapagtakang kilala rin sya nito. "Dawson..." "Po?" "Rose Dewitt Bukater Dawson." pag-uulit ni Rose. Hindi nya inasahan ang bahagyang pagngiti ng babaeng tauhan ng barko. Ngumiti nalang rin si Rose, tsaka nya inilipat ang tingin sa log book na hawak nito. "Iyan ba ang listahan ng mga pasahero ng Titanic II?" tanong niya rito. "A-Ah ganoon na nga, Miss Rose. Nilalaman nito ang mga pangalan ng mga pasahero mula sa third class." nakangiti nitong balita. "Maaari bang malaman kung mayroong pasahero mula sa third class na nagngangalang Jack Dawson?" "Sya po ba ang inyong asawa, Miss Rose?" "Hindi mo kailangang itanong." "A-Ah, s-sandali Miss Rose, hahanapin ko." Bahagyang tumango si Rose at tsaka tinitigan ang log book nang buksan iyon ng babae. Kagat pa nito ang labi habang nakikibasa sa mga pangalan doon. Kunot noo ang babaeng crew ng barko habang inililipat ang mga pahina ng log book. Inabot sila ng humigit dalawampung minuto, ngunit bagsak ang balikat na isinarado iyon ng babaeng crew. "Walang Jack Dawson na pasahero sa third class, Miss Rose." sambit nito. Napakurap si Rose, tsaka lumunok at nakangiting tumango sa crew, "Salamat." pasasalamat nya rito tsaka na sya nagpatuloy sa pagbaba. Gusto nyang maluha, hindi nya alam kung paano hahanapin si Jack, alam nyang hindi pupwede ang magpunta sa iba pang bahagi ng barko dahil third class lamang ang nakuha nyang ticket. Matamlay syang naglakad patungo sa kwarto nila ni Lucent. Nakita nyang natutulog si Lucent kaya tahimik nyang isinara ang pinto. Lumipad ang isip nya sa mga bituin, humihingi ng tulong sa mga ito kung sa paanong paraan nya mahahanap si Jack. Napapadalas ang pagsakit ng dibdib nya dahil sa lungkot, at mawawala lamang ito sa oras na makita nya si Jack, kung makikita nya pa nga ito. Lunod sa kalungkotan ang buong sistema ni Rose, napahilamos sya sa mukha tsaka pinunasan ang mga luhang tumulo mula sa mga mata nya. Naalala nya ang sasakyan na nakita nyang gamit ni Jack kanina nang makita nya ito sa daan. Agad syang lumabas at nagpunta sa pinaka ibaba ng barko, kung ang barko na ito ay inihalintulad sa disenyo ng titanic ay nasisiguro syang ganoon parin ang daan patungo sa lugar kung saan inilalagay ang lahat ng bagahe at sasakyan ng mga pasahero. Agad nya itong binaba, tsaka nya nakasalubong ang ilan pang mga bantay sa barko. "M-Miss Rose?" harang nito sa kanya. "Huwag kang humarang sa dinadaanan ko." banta nya dito, walang nagawa ang mga ito kundi ang tumabi. Nagpatuloy si Rose sa paglalakad. Nililingon ang lahat ng madadaanan. Gusto nya nang masagot ang lahat ng katanungan sa isip nya, kung buhay pa ba ang minamahal o nagkamali lamang sya ng akala. Narating nya ang pinaka ibaba ng barko. Nandoon ang iba't-ibang klase ng sasakyan, maging ang bundok ng mga bagahe. Tsaka nya nakita ang sasakyan na katulad sa nakita nyang iminamaneho ni Jack kanina. Marahan syang lumapit doon. Tsaka agad na namasa ang mga mata. Nakita nya ang isang crew na naglalakad patungo sa direksyon nya. Nilingon nya ito. "Sino ang nagmamay-ari nito?" tanong nya rito, seryoso at nananabik sa isasagot ng lalaki. "Pagmamay-ari ho iyan ng kapatid ng kapitan, sa pagkaka-alam ko." "Ano ang kanyang itsura?" "Magandang lalaki ang kapatid ng kapitan, Miss Rose." nagtataka nya itong nilingon. Sa isip ay alam nyang mayaman sila noon ngunit hindi nya inakalang marami ang nakaka-kilala sa kanya, nakakatawa lang dahil kilala sya ng mga taong ni anino ay ngayon nya lamang nakita. "At ang kanyang ngalan?" "Jacob Dalton, Miss Rose." Ang lalaking iyon ay kapatid ng kapitan? Napakurap si Rose, agad na naiyuko ang ulo. Mukhang nagkamali sya ng akala, hindi si Jack ang nakita nya kundi si Jacob na inakala nyang si Jack. Hindi nya ito kamukha, ngunit kuhang-kuha nito ang estilo ng pananamit at ayos sa katawan ni Jack. Huminga sya ng malalim tsaka tumango sa crew, agad naman itonf yumuko at umalis. Naiwan si Rose na nasa bintana ng sasakyan ang mga kamay. Tiningnan nya ang paligid, nang makitag walang tao ay binuksan nya ang pintuan ng sasakyan. Pumasok sya rito at naupo, doon nya pinakawalan ang mga luha na kanina pa nagbabadyang tumulo. Ibinuhos nya ang lahat ng sakit, nabigo sya. Nagpatuloy sya sa pag-iyak, nais nyang lumabas sa sasakyan na iyon nang wala nang luha ang natitira sa mga mata nya. Sobra na ang pagkalito ni Rose, hindi nya na malaman kung paano kikilos, kung paano mabubuhay. Ikinalma nya ang sarili, tsaka sya lumabas sa sasakyan. Marahan nyang tinahak ang daan pabalik. Ang pag-asa nalang nya ay ang malaman kung sino pa ang ibang pasahero ng barko. Pilit nyang iniyuko ang ulo at sa daang nilalakaran na lamang nya itinuon ang paningin. Itinago nya ang namumugtong mga mata. Pumasok sya sa kwarto nila ni Lucent tsaka iyon isinara, doon muling tumulo ang mga luha nya. Napansin nya ang pagbangon ni Lucent, nasa kanya na ang tingin nito. "Rose? bakit ka umiiyak?" Mas lalo syang naluha sa tanong na iyon. Hindi nya alam kung paano sasagot, hindi nya alam kung paano sasabihin ang nasa loob ng puso't-isip nya. Napayuko lang sya tsaka naupo sa ibabang higaan ng double deck. Naramdaman nya ang paghaplos ni Lucent sa likod nya ypang pagaanin ang kanyang loob, niyakap sya nito, wala nang nagawa si Rose kundi ang tahimik na umiyak. "Hindi ko na alam ang gagawin." nasabi nya tsaka kumalas sa pagkakayakap kay Lucent. "Alam mo Rose... noong una kitang makita, alam kong may kakaiba sayo... matapang ka, malakas ang loob, at alam ko na kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon? malalagpasan mo 'yan... at iyang kulang sa puso mo... makukumpleto yan, huwag kang mawawalan ng pag-asa Rose, nasisiguro kong mahahanap mo ang sagot sa mga tanong mo..." saad ni Lucent tsaka ngumiti. Sandali munang tumitig si Rose sa mga mata ni Lucent na puno ng sinseridad, ngumiti sya tsaka tumango. Nakakapanibagong isipin, ang dating matigas nyang puso ay unti-unting lumalambot, unti-unti nyang natututunang kumilala ng tao, ang makihalubilo, at ang magkaroon ng kaibigan. Lahat ng ito ay dahil kay Jack. ________ ©The Movie 'TITANIC'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD