ADELAIDE’S POV: Nagising ako dahil sa mahihinang haplos na dumadampi sa aking mukha at buhok—parang may gustong siguraduhin na ako’y humihinga pa. Kasabay nito ang malamig na pakiramdam ng tila patak ng tubig na bumabagsak sa aking pisngi. Ngunit nang tuluyan akong magmulat ng mata, doon ko napagtanto—hindi iyon tubig. Luha iyon. Isang babae ang bumungad sa akin. Namumula ang kanyang mga mata, nanginginig ang labi, at tila matagal nang pinipigilan ang paghikbi. Nakatitig siya sa akin na para bang ako ang pinakamahalagang bagay sa mundong ito. Nangunot ang noo ko. Hindi ko siya kilala. K-kayo po ay...?" paos kong tanong, halos hindi marinig ang sariling boses. Hindi siya agad sumagot. Sa halip, mas lalo lamang pumatak ang kanyang mga luha. Dahan-dahan niyang hinaplos ang aking buhok,

