ADELAIDE'S POV: Lumipas ang mga buwan sa Sydney nang hindi ko namamalayan. Unti-unting lumalaki ang tiyan ko. Unti-unti ring nagbabago ang pagkatao ko. Hindi na ako iyong babaeng nanginginig sa tuwing makaririnig ng putok ng baril. Hindi na rin ako iyong anak ni Alejandro Miller na umaasa lamang sa impluwensya ng pamilya. Dahil matapos kong malaman na may batang nabubuhay sa loob ko ay may kung anong nagising sa akin. Isang klase ng tapang na hindi ko alam na kaya kong taglayin. At sa unang pagkakataon sa buong buhay ko ay natuto akong lumaban para sa sarili ko. At para sa anak ko. Dahil ngayong may batang umaasa sa akin, ay kailangan kong maging mas matatag. Mas mabangis. Mas handa. Sa umaga ay isa akong normal na university student sa isa sa pinakasikat na universities sa Sydn

