ADELAIDE'S POV: "Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday Adie.." Mula sa aking kwarto habang ako'y nakaupo sa aking vanity table dresser, matamis akong napangiti ng marinig ko ang malamyos na tinig ng aking Ina habang ako'y kanyang kinakantahan ng birthday song. Wala talagang tatalo sa taglay na ganda ng boses ng aking Ina. "Happy eighteenth birthday my dearest princess. You are so beautiful anak------" hinagkan ako ni Mommy sa aking noo at sunod sa aking magkabilaang pisngi. When I hear Mommy singing, it feels like I'm at Broadway. It's as if I'm watching a musical play, and it's like I see Ms. Lea Salonga in her. Ang galing-galing talaga ni Mommy na kumanta. Kaya naman sa tuwing nalulungkot ako, alam na alam na niya ang kanyan

