Malamig ang hangin sa labas, kahit pa napakainit ng mga pangyayari—ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit nanginginig ang katawan ni Gideon. “Tita Cecil…?” tawag niya, mas malakas na ngayon, pilit na sinasapawan ang kaba sa dibdib niya. Nang mga sandaling iyon, pakiramdam ni Gideon ay napakatahimik ng buong paligid kahit pa napakadaming mga sasakyan ang dumaraan. Iyong tipong sariling t***k lng ng puso niya ang maririnig. “God… Tita Cecil?!” halos pasigaw na, umiikot ang kanyang paningin, hinahanap ang Ginang kahit saang anggulo. Hanggang sa..May isang sasakyan, biglang huminto sa hindi kalayuan. Hindi niya kaagad napansin iyon. “—Tita Cecil?!” muli ay sigaw niya. “Sino’ng Cecil ang hinahanap mo, Doc?” Parang may pumutol sa oras, tila tumigil ang mundo, at siya ay mabagal na napa

