_AGV MENTAL FACILITY

1805 Words
The story you are about to witness is purely fictional. Any similarities to actual events, names of characters, or places are purely coincidental. NOTE: This story contains sensitive content that is prohibited for minors. Strict supervision is required. A SNEAK PEEK INTO THE STORY'S CONTENT ( This is about to happen ) * * * * GIDEON'S POV: Mula sa Augustus Gideon Mental Facility ay abala ako habang ako'y nakikipag-usap sa isa sa aking mga pasyente—si Lorinda na mag-aanim na buwan na simula noong siya ay ipinasok dito ng kanyang pamilya. Si Lorinda ay na-diagnosed na may MDD o iyong tinatawag nilang major depressive disorder with psychotic features. It is a severe form of depression combined with psychosis—hallucinations or delusions. Isa sa pinaka- delikadong nagawa ni Lorinda—ay noong tinangka niyang magpakamatay. Hindi lang ng isang beses kundi ginawa niya ito ng tatlong beses. Noong una—ay drug overdose. Pangalawa ay noong naglagay siya ng tali sa mismong kwarto niya upang doon isagawa ang pagkitil niya sa sarili niyang buhay, mabuti na lamang at saktong nakita di-umano ito ng isa sa mga kasambahay nila at ang pinaka- malala sa lahat ay noong ni-rescue ko siya habang ito'y nasa itaas ng pitong palapag na commercial building na animo'y isang ibon na noon na handa ng lumipad ng malaya sa kalawakan. Mabuti na lamang at naging maagap ako ng mga sandaling iyon. Nakipag- coordinate kaagad ako sa mga kapulisan at mula sa ibaba ay handa na sila sa anumang posibleng mangyari. Sinubukan kang kausapin si Lorinda. Sinubukan ko siyang pakiusapan na huwag siyang makikinig sa mga boses na iyon—na patuloy na bumubulong- bulong sa kanya. "Ako si wonder woman! Ililigtas ko ang mga inaapi at ililigtas ko ang buong sanlibutan! Hahahah..." iyon ang patuloy niyang sinasambit at ayaw niyang makinig sa akin. Palapit na ako ng palapit mula sa kinatatayuan niya noon at kaunting maling galaw lang niya ay talagang babagsak na siya. Hirap na talaga akong pakiusapan ito noon—kaya noong nakita kong unti-unti ay gumalaw ito, kumilos na din ako upang siya'y yakapin ng mahigpit at dito nga ay kapwa kami nahulog mula sa ikapitong- palapag ng gusali. Hiyawan ang lahat ng mga tao' at saktong pagkahulog namin ay bumagsak kaming dalawa ni Lorinda sa malaking jump net o safety net na ginamit ng buong rescue team. Ayon kay Lorinda ' ay may naririnig siyang mga boses, lalo na sa kalagitnaan daw ng kanyang pagtulog, siya ay nagigising at siya ay inuudyakang gumawa ng masama. Marami siyang naririnig na mga boses. Mga nagtatawanan, mga nag-iiyakan at minsan pa ay kinakausap daw siya ng mga boses na iyon. Hindi biro ang sakit na MDD. Dumaan si Lorinda sa isang Cognitive Behavioral Therapy or CBT. Ito ay isang uri ng psychotherapy upang matulungan ang mga pasyente na baguhin ang mga negatibong kaisipan at pag-uugali nila kaugnay ng depresyon. According to Lorinda's family, she is known to be a quiet person. She prefers to be alone rather than mingle with other people which is not appropriate. Mas pinipili niyang solohin ang lahat ng mga hinanakit niya sa buhay—kaysa mag-open up ito sa kanyang pamilya. Sa ilang buwan na pamamalagi ni Lorinda sa aking facility ay nakitaan ko na ito ng malaking pagbabago—hindi lang sa pisikal na kaanyuan niya kundi maging sa mga kilos at gawa niya ay masasabi kong na- overcome na niya ang matinding depression niya. At ngayong araw nga ay lalabas na siya mula sa aking facility. "Gusto mo na bang umuwi sa pamilya mo Lorinda?" Magiliw na tanong ko, isang umaga iyon, kausap ko si Lorinda kasama ang pamilya niya. "Hihihih.. Opo dok! G-gusto ko na pong umuwi sa amin— pero sama ka sa akin dok ah' gusto kitang maging kaibigan. Hihihihih..." Humahagikgik na saad ni Lorinda sa akin. Napangiti naman ako. "Of course Lorinda, pwede mo akong maging kaibigan. Nasa'yo na ang number ko, pwede mo akong tawagan anytime." Saad ko pa ng may buong ngiti sa aking mga labi. Hindi natin kailangang matakot sa mga taong may mental disorders—bagkus ay atin silang unawain at bigyan ng ating atensyon. Ang mga taong may mental disorder ay nangangailangan ng sapat na pag-unawa, suporta, and the access to quality treatment—just like for people with physical illnesses, katulad na lamang ng mga taong may hypertension, my sakit sa puso at iba pang karamdaman. It is not right and not fair to call a person with a mental disorder "crazy or baliw." The word "baliw" is a hurtful, inaccurate, and stigmatizing term that does not reflect the reality of mental health conditions. Pagkatapos ng matinding briefing kay Lorinda at sa kanyang pamilya—isang bisita naman ang hindi ko inaasahan na dumating. She is Cassandra Miller the daughter of business tycoon Alejandro Miller, who is a fierce rival of our family, especially the La-familia Valderama. They do not know me as a Valderama because I chose to keep my identity hidden, presenting myself as a Villarin—a simple person and community doctor. Hindi man lang ito kumatok ng aking pintuan at prente nitong binuksan ang pintuan at at ito'y prenteng naglakad palapit sa akin at hinagkan ako sa aking mga labi. "Mapangahas na babae!" tiim bagang na saad ng isipan ko. "Oh, I'm sorry to disturb you all guy's. I just want to check on my fiancé. And, oh!" Tumaas ang kilay niya ng makita niya si Lorinda na nakaupo sa aking harapan. Lorinda is beautiful—a simple young woman who possesses the beauty of a true Filipina. "Isang baliw na naman ba ang kausap mo Gideon? Hindi kaya matuluyan ka ng mabaliw— dahil araw-araw kang napapalibutan ng mga taong baliw?" Taas noo nitong sambit sa akin sa harapan ng pamilya ni Lorinda. "Watch your words Cassandra' baka nakakalimutan mong nasa clinic kita?" Madiing wika ko kasabay ng paghawak ko ng mahigpit sa kaliwang braso niya. "It's okay Doc Gidie, sanay na po ako!" Nakayuko naman si Lorinda, pero ramdam ko sa boses niya ang matinding pagkapahiya. Naglakad ako at nilapitan ko ang pamilya ni Lorinda saka ako humingi ng tawad dahil sa nagawa ni Cassandra. "I'm so sorry Lorinda. Ako na ang humihingi ng tawad sa nagawa ni Cassandra. Sorry!" Hinawakan ko sa kamay ang dalaga ngunit ganoon na lamang nagngingit si Cassandra at hinila ang aking kamay. "Di bale ho, Dok ' aalis na po kami. Maraming salamat po sa pag-aalaga sa anak namin sa loob ng ilang buwan. Utang namin sa'yo ang lahat doktor. Salamat po." Pagpapaalam pa ng Mama at Papa ni Lorinda at kanilang inakay ang anak nila palabas ng pintuan. Dito ay hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Hinila ko si Cassandra palabas ng pintuan. Nagngingitngit ako dahil sa tahasan nitong pagpasok at pang-iistorbo sa amin at pamamahiya sa akin—sa harapan pa ng aking pasyente. "Wala kang karapatan na ipahiya ako Cassandra, lalong-lalo na sa harapan ng aking mga pasyente, maliwanag ba?!" Madiing wika ko sabay tulak sa kanya paalis. "I have all the rights Gidie. Girlfriend mo ako." Tumawa ako ng tabingi sabay himas sa aking baba. "Girlfriend? Wow! Kailan pa kita naging girlfriend hmm?" "Ah--- eh, simula may nangyari sa atin. Magkaka- anak na nga tayo diba?" Prenteng sagot naman niya sa akin na siyang ikina-igting ng aking mga panga. "Hey! I think you're the one who's out of your mind and having delusions—I don't remember anything happening between us or that I was your man! Right from the start, I already told you na wala akong panahon sa mga romantic relationships. I hate commitments and responsibilities, and one more, I don't like children." Matigas na turan ko. Pagkakasabi ng huling salita na iyon----- "Daddy! Daddy! Daddy!" Isang matinis na boses ng isang batang babae ang narinig kong sumisigaw ng Daddy palapit sa akin—at sa isang iglap pa ay yumakap ito sa aking mga binti. A little girl who looked like a princess approached me—she seemed to be around five years old. "What are you doing here damn trash?" Narinig ko pang saad ni Cassandra sa bata. "Oh, heheh.. Hey, baby girl' sa tingin ko, nagkakamali ka ng lugar na napuntahan. I am not your Daddy. I don't even have a spouse so how could I have a child?" I exclaimed with a laugh to the kid. "No! I am not mistaken—you are my Daddy! Mommy told me, and I have the proof!" Pagpipilitan pa niya sa akin sabay pakita niya sa hawak niyang poster. Naniningkit ang aking mga mata na kinuha ang poster na hawak niya—ako ito' bilang si AGV "THE FIGHTING HEALER" "Hahahah.. Excuse me baby girl, but I'm not your Daddy. Where is your Mom? Hindi ka dapat nagpupunta dito—alam mo ba kung anong lugar itong napuntahan mo?" Muli ay tanong ko sa bata ng may isang boses ulit akong narinig. "Hindi kami nagkakamali ng lugar na napuntahan AGV----- !" naniningkit ang mga mata ko ng makita ko ang isang babaeng pamilyar sa akin. Isang babae mula sa aking nakaraan—si Adelaide Miller na pilit kong nilayuan at tinatataguan bilang si AGV The Fighting Healer. Sa huling balita ko ay dinala si Adelaide noon kanyang pamilya sa America upang ipagamot. "Don't you know that I had you looked for—AGV, The Fighting Healer, hmm? Yes, you man who's good at hiding behind another identity—so this is where I can find you, my healer fighter." Taas noong sambit niya sa akin na siyang ikinalaki ng aking mga mata. Paano niya nalaman ang lahat? Hanggang sa siya ay pumalakpak ng tatlong beses at mula sa hallway ay may nakita akong mga armed man na noon ay palapit sa amin. "Men, dakpin ang lalakeng ito at dalhin ito sa City Hall ngayon din!" Utos niya sa kanyang mga tauhan. "Te-teka! You're harassing me, or better to say, this is kidnapping! Sandali!" Sinubukan kong manlaban, sinubukan kong tawagin ang aking mga bantay ngunit maging sila ay wala ding nagawa dahil lahat sila ay tinutukan na din ng armas ng mga armadong kalalakihan na ito. "Try to escape again my healer fighter' otherwise----- I'm gonna cut your f*****g d**k, your f*****g circulation." Nakangiti nitong sabi sa akin kasabay ng pagkakadaklot niya sa aking pagkalalake. "Ahhhhh ---- s**t! Gidie you're dead! Hey, hey, stop it! Oh, s**t' you're crazy Adelaide!" ° ° ° ° A LITTLE INFO ABOUT THE STORY: VILLARIN EMPIRE SERIES 3 na po tayo. Si GIDEON po ay anak nina AUGUSTUS at ANASTASIA sa SERIES 1 po natin ang Under The Rose: THE MAFIA'S FORBIDDEN DESIRE (SPG) SERIES 2 po natin ay ang— Touch Of A Butterfly: WHEN PASSION BECOMES OBSESSION (SPG) 👊 WELCOME TO GIDEON'S WORLD. ITUTULOY....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD