" I hate him " asar na sambit niya habang padabog na hinagis ang bag sa kama.
Pareho silang walang kibo hanggang sa makauwi sila ng bahay.
Kaylangan ba lagi nalang silang ganito.
Padabog na umupo siya sa kama at kinuha ang cellphone niya.
She called king.
" hello "
" Naics I'm busy mamaya ka nalang " pinatay nito kagad ang tawag.
Inis na hinagis niya ang cellphone sa kama.
She really hate Calix..
Kasalukuyan siyang nag-iisip ng paraan kung paano niya papatayin si Calix ng may kumatok sa pintuan niya.
" Pasok po " kalmadong sambit niya.
Inis na binitawan niya ang cellphone niya.
" hindi ka ba kakain ija, hindi rin kumain si Calix "
" hindi po "
Pumasok ito sa loob at lumapit sa kanya.
" ano nanaman bang nangyari sa inyong dalawa? Uuwi na ko mamaya at maiiwan kayo dito, tawagin mo nalang si Calix kapag gusto mo ng kumain, sasabay daw kasi siya sa iyo "
" sighe po "
Pagkasabi nito ng bagay na iyon ay umalis na rin ito.
Tignan mo nga itong Calix na ito hindi naman magawang kumain ng wala siya pero kung bwisitin siya ay sobra sobra.
Hindi ba pwedeng maging mabait naman ito kahit minsan sa kanya.
Humiga siya sa kama at tinignan ang kisame.
Anong oras na nga ba?
Tinignan niya ang relo sa kamay niya 30 minutes na ang nakalipas.
She's tired.
Galit siya dahil napakamakasarili ni Calix.
Oo tanggap ko na na kahit ganon ang ugali non ay gusto pa rin ito ng mga tao lalo na ang mga babae pero nakakainis lang kapag naririnig mo kasi yung mga lalaking daig pa ang babae kung tsumismis.
Kapatid nya pa rin si Calix at sya lang ang may karapatang pagsalitaan ito ng masasakit na salita.
Kinuha nya uli ang cellphone nya at binuksan.
May message galing kay King.
Pinapatawag na siya nito.
And she called..
" hello "
" I'm sorry, Naics masyado lang kasing busy kanina dahil may one on one explanation na nagaganap "
" what happened?" Takang tanong niya rito.
" hindi ko alam kung anong sumapi sa mga magulang ko at gusto nila akong ipakasal sa ganitong edad "
" what!" Gulat na napabangon siya..
" sa tingin mo Naics, ano ang magandang gawin? Maglayas ba ko? "
" sira ka ba King saan ka naman pupunta?"
" mas sira ka Naics sino ang gusto ikasal sa edad na to aber, kahit ang lola ko aatakihin kapag nalaman ito"
Napangiti siya ng banggitin nito ang Lola nito.
" that's the answer " nakangiting sambit niya.
" answer to what ?"
" your grandma, maglayas ka at pumunta sa kanya "
Ang alam kasi niya ay may hindi pagkakaintindihan ang magulang ni King at ang lola nito.
" alright you said it right Naics, bye bye kaylangan ko ng magimpake " tsaka na nito pinatay ang tawag.
And by the way parang siya ang may problema kanina..
Inis na napahiga nalang ulit siya.
Hai Naica kaylan ka ba masasanay.
Ilang minuto na rin siyang nakatingin sa kawalan ng maramdaman niyang bumukas ang pinto.
Bumangon siya at bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Calix.
" what?" Asar na tanong niya rito.
" I'm sorry "
Seryoso pa rin niya itong pinagmamasdan.
Sorry lang, sa lahat ng ginawa nito.
" anong sinosorry mo?" Masungit na tanong niya rito.
Pumasok ito at sinara ang pinto.
" everything "
" what is everything Calix?" Masungit pa rin na tanong niya.
Frustrated na lumakad ito palapit sa kanya.
" my attitude " pabulong na sambit nito.
" I'm all ears Calix, saan ka nagsosorry?" Nakataas ang kilay na tanong niya uli.
" I'm sorry for everything that I did, from my attitude, to being rude "
" and " nakataas ang kilay na tanong niya rito.
" and what?" Kunot noong tanong nito sa kanya.
" sorry not accepted Calix "
Humiga uli siya at tumagilid yung siguradong hindi niya makikita ang pagmumukha nito.
Iritable siya, gusto lang naman niya ihingi nito ng sorry ang pagiging masungit at iritable nito at ang sobrang pagiging possesive nito na nakakairita na.
Kasalukuyan siyang nagmumuni-muni ng maramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya mula sa likuran, ganito si Calix simula nuong bata pa sila.
Pagalam na nitong sumosobra ito ay papasok ito ng kwarto niya at magsosory sa kanya.
Kapag hindi siya nakuha sa sorry yayakapin siya nito mula sa likuran.
" I'm sorry, I acted as a spoild brat, Naica I'm sorry for being so rude and to possesive to you I'm sorry Naica "
Nakangiting humarap siya rito at niyakap rin ito pabalik.
Calix know her best alam nito kung paano siya nito palalambutin.
" sorry taken Calix, just don't do it to much nakakainis din kasi minsan, bati na tayo "
Ganito lang silang dalawa at alam niya para kay Calix siya pa rin ang batang si Naica na nakilala nito. Kaya ganon nalang ito ka over protective sa kanya at alam niya iyon. Alam niyang masyado lang siyang mahal ni Calix dahil kapatid siya nito.
" I love you Naica " mahinang bulong nito sa kanya.
" I also love you Calix, my one and only kuya " masayang bulong niya rito.