Prologue

564 Words
"Ms. Monteclaro," tawag ng prof niyang si Darren bago pa man siya makalabas ng lab. Silang dalawa na lang ang natira doon. Natilihan siya nang isara nito ang pintuan. "W-What are you doing?" pigil ang irap na tanong niya. "Malapit ka ng bumagsak sa subject ko, pumapasok ka pa rin?" Napatiim bagang siya. Halatang iniinsulto siya ng loko. Naging habit na yata nito iyon. "Sayang tuition kaya pumapasok pa rin ako, saka ang sarap pakinggan ng boses mo. Nakakatulog ako ng mahimbing." ganting pang-iinis niya. Mukhang tumalab dahil naningkit ang mga mata nito. Madalas niyang tulugan ang klase nito, kahit hindi naman niya intensiyon. "Kung nanghihinayang ka, sana nagtino ka, ang dami ng taon na nakalipas wala ka pa ring pinagbago, you’re still the same girl that I used to know. Spoiled, inconsiderate-" "Walang kwenta, patapon, walang mararating, ano pa? May nakalimutan pa ba ko?" putol niya sa pang-iinsulto nito, siguro kung sa ordinaryong pagkakataon baka iiyak na siya sa mga pinagsasabi nito, pero hindi niya gagawin, ayaw nga niyang makita ang satisfaction sa mga mata nito kapag ipinakita niyang nasasaktan siya sa mga sinasabi nito. "Hindi ka nag-i-excel sa klase ko, ano bang plano mo sa buhay?" seryosong tanong nito kaya natigilan siya. Ano nga ba? Napatitig lang siya dito kaya nagsalubong ang mga mata nila, pagkukwa’y siya na rin ang nag-iwas ng tingin. Madali lang sagutin kung tutuusin ang tanong nito, pero wala siyang maisasagot. Nawalan na kasi ng direksiyon ang buhay niya, tama ang mga pinagsasabi niya dito kanina. Patapon na siya. Para siyang sasakyan na nasiraan ng preno, sige lang ang takbo pero walang matinong direksiyon na pupuntahan, bahala na kung bumangga sa kung saan. "H-Hindi ko alam," nangilid ang luhang sagot niya kaya tumingin siya sa ibang direksiyon. "Sabrina..." tila lumambot ang ekspresiyon ng boses at mukha nito. "Pumasok na tayo, magturo ka na," iwas niya at akmang papasok na nang pasimple nitong hagipin ang kamay niya. Naramdaman niya ang mainit na palad nito kaya parang gustong niyang mataranta. "Pwede ka pa rin namang makapasa." "P-Paano?" "I can be your private tutor again," alok nito kaya napahumindig siya. "K-Kaya kong pumasa!" Baka kung ano lang kalokohan ang ituro nito sa kanya. Sa estado nila ngayon? Duda siyang may ituturo itong matino sa kanya. Humakbang ito at bahagyang yumukod, marahang inilapit ang mukha sa kanya, hanggang sa lumapat na ang mga labi nito sa tenga niya. Bumilis tuloy ang t***k ng puso niya. "Sure, I know you can. Kaya mong pumasa, lalo na kung may tulong ko. Private lesson, Miss Monteclaro. Just like the good old days..." masuyong anas nito sa punong-tainga niya. Naitulak niya ito dahil nakiliti siya sa init ng hininga nito, lalo na nang magbalik sa isip niya ang mga pinagsamahan nila, private tutor? Again? Papayag ba siya sa inaalok nitong private lesson? "Private Lesson your face---hmmp!" Hindi na siya nakapagsalita nang sakupin nito ng halik ang mga labi niya. Madali siyang nadarang at hindi na nakatutol nang ihiga siya nito sa mahabang mesa. He started to roam his hands all over her body. Napapasinghap siya. Saglit lang ay tumigil ito at tinitigan siya sa mga mata. "Meet me outside. Sa labas natin ituloy 'to kung gusto mo..." nakakalokong anas nito at lumabas na ito ng classroom. Nanghihinang tumayo siya. Gusto niyang sundan ito at makasama. Ah, hindi niya maitatago na namimiss niya rin ang dating boyfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD