Chapter 9

1312 Words
Chapter 9 "Lam mo girl, punta ka sa bahay minsan, o kaya next month, may handaan, sabay na kayo ni Darren kung di mo alam daan," ani Rico at umabrisiyete pa sa akin na parang super close na kami. "Ano’ng meron?" curious na tanong ko. "Sweet sixteen, sana makapagladlad na siya sa harap ng tatay niyang pulis ng hindi binabaril," tawa ni Jessa kaya natawa na rin ako. "Heh!" irap ni Rico dito. "May pabalot?" tanong ni Michael. "Ay ang siba!" sabay-sabay na kantiyaw nina Darren dito. Panay tawa ako sa kanila. Naparami ang kain ko. Hindi pa man ako nakakaubos ng ice scramble nang may humila sa akin at sampalin ako sa mukha. "What’s your problem!" gigil na sita ko kay Mandy. Galit ang bukas ng mga mata niya. "Snake! Anaconda ka!" Napaangat ang kilay ko at isinampal sa mukha niya ang baso ng fishball, hinila ko rin ang bangs niya. Iniwagwag ko iyon kaya inawat kami ng grupo. Mas matangkad ako sa kanya kaya hindi siya nakabwelo ng sabunot. I may have class pero kapag kinanti ako, lintik lang ang walang ganti. "Mandy, bakit ba nananakit ka?" ani Darren na hawak ito sa braso. Iiyak-iiyak na nagpaliwanag ito. "Nakipagbreak sa akin si Jared!" singhal ni Mandy habang hawak siya ni Michael at Jessa. "At ano’ng kinalaman ko? Nananahimik ako dito tapos mananampal ka!" nanginginig sa inis na sumbat ko habang hawak naman ako ni Rico at Darren. "Kasalanan mo! Ang sabi sa akin ni Jared hindi naman niya talaga ko gusto! Ginamit lang niya ko para pagselosin ka! Tapos nakita kita na kausap mo siya! I confronted him at nakipagbreak na siya ng tuluyan! Inutusan mo siya ‘no?" bintang pa niya. "Hindi ko kasalanan ‘yon. Hindi ko siya inutusan na gawin ‘yon! Kaya ‘wag ako ang sisihin mo! Kung gusto mo siya fine! Ipagpatayo mo ng rebulto. Stop blaming me for his pathetic actions!" inis na kumawala ako kina Darren at naglakad palayo. "Sab!" Nakasunod sa akin si Darren. "Okay ka lang ba?" "No. Pagbintangan ba naman akong mang-aagaw. Yuck!" "Nasaktan talaga siguro siya sa break up nila ni Jared." "Kaya niya ko sinampal? Tanga siya kung ganoon." "Siguro, pero sana maging okay na rin siya." "Well sana nga para tantanan na niya ko. Teka upo nga muna tayo," sabi ko sa kanya nang makakita ako ng standby area na katabi ng plaza. Katapat niyon ang isang fast food chain. "Dito talaga? Sa L.A.?" ani Darren. "L.A.? Los Angeles?" maang na tanong ko at naupo sa marmol na tambayan. "L.A. short for Lampungan Area," nangingising sagot niya at tumango sa likuran ko kaya napalingon ako. Puro mag bf-gf ang nandoon na nakaupo at nakatambay. Merong magka-akbay, may nakahilig sa balikat habang nagkukwentuhan at samut-saring form pa ng PDA or Public Display of Affection. Mga estudiyanteng tulad namin pero taga ibang school dahil iba ang uniform. "L-Lampungan area ang tawag dito?" "Oo, di mo alam? Kalimitan sa mga nagpupunta dito, ito ang ginagawang dating place, walang budget para kumain doon sa loob. Okay nga naman dito, ang dami kasing puno kaya malilong at mahangin. Bukod doon marami ding nagtitinda ng kung anu-ano. Banana Q, chichirya, palamig. Okay lang kahit mura basta kasama mo iyong nilalampong mo..." pabirong sabi niya kaya natawa ko. "At sino namang nagbansag ng L.A. na ‘yan sa lugar na ‘to?" curious na tanong ko. Ilang beses na akong nakakain sa fast food na katabi ng L.A. pero ngayon lang talaga ako nakatambay dito. "Ewan ko lang. Pag napapadaan nga kami nina Rico hindi nawawalan ng magsiyota na nakatambay dito. Para nga daw mga pusa kung maglambingan. Kaya ‘yon Lampungan Area talaga tawag dito," natatawang kwento niya. "I see, so wala ka pang dinadalang...kalampungan dito?" biro ko na ikinapula ng buong mukha niya. "Sabrina, hindi bagay sa’yo. Wag mo na ulit babangitin ang salitang ‘yan," saway niya. "Okay Sir, upo ka nga dito, di ka ba nangangawit?" tawag ko at tinapik ang bakanteng espasiyo sa tabi ko. Napakamot siya sa batok pero naupo rin naman sa tabi ko. Nagdikit ang siko namin dahil medyo makipot ang upuan. Pang magjowa nga lang ‘to. "Okay ka na?" tanong pa niya. "Yeah. Naasar lang talaga ko. Sampalin ka ba naman bigla? Never pa ko nasampal, ah! Bumakat ba palad niya? Ang lakas, eh. Can you take a look?" tanong ko at bahagyang inilapit ang mukha ko. Yumukod naman siya at hinawakan ang baba ko gamit ang point finger niya. Naglandas ang mga mata niya sa pisngi ko. Then ayun na naman ang weird feeling kapag malapit siya, lalo na ngayon na halos wala na yatang isang dangkal ang layo ng mukha niya sa mukha ko. "Di naman masiyado. Medyo namula lang pero di naman nakabawas sa ganda mo…" aniya at halos mahigit ko ang hininga ko nang sinalubong ng mga mata niya ang mata ko, habang hawak pa rin ang baba ko. Kung may makakakita sa amin baka isiping hahalikan niya ko. Gosh…pulgas. Bakit ganito siya tumingin? Titig kung titig. "P-Parang blush on lang?" nasabi ko at inialis ko na ang mukha ko sa hawak niya. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng mini heart attack dahil sa titig niya. "Oo, intindihin na lang siguro natin si Mandy, mukhang pinaglaruan lang kasi siya. Bakit kasi ganoon si Jared?" halatang asar na tanong niya. "Ewan ko doon. Kaya nga ayoko nasa kanya. Anyway natatawa talaga ako sa pangalan ng lugar na ‘to. Mas maganda siguro kung palitan natin. Kahit tayo lang nakakaalam." "Sabagay. Medyo masagwa nga. L.A. Gawin na lang nating lambingan area o Love area..." "Love area? Sounds good." "Sabagay, iyon na lang tutal naman lahat ng pumupunta dito in love, eh." sang-ayon niya. "Talaga? Bakit in love ka ba?" sundot na tanong ko. "Tagal na..." "Talaga? Kanino?" nagulat at naexcite na tanong ko. "Secret," napapangiting sabi niya. "Andaya nito. Kanino nga?" pangungulit ko. "Basta. Saka ko na lang sasabihin kapag nagkalas loob na ko." "So tsope ka nga gaya ng sabi ni Michael?" "Hindi sa torpe. Kaso alangan dahil wala pa naman akong maipagmamalaki kasi lang parehas pa kaming estudiyante. Siyempre kapag poporma ko kailangan kahit papaano, gumastos ako. Ibibili ko na lang ng ulam namin," naiiling na aniya. Napangiti ako at nangalumbaba saka siya tinitigan. "Bakit ganyan ka makatingin?" halatang naconscious na tanong niya. "I just admire you for that. Family Oriented. Saka di mo masiyadong pinoproblema ang lovelife. Samantalang iyong mga napapanood ko sa sss parang mga shunga na ngawa nang ngawa dahil iniwan sila, eh, ang babata pa. Di pa nga yata nagmimens mga ‘yon, eh." natatawang pakli ko na ikinatawa niya. "Sarap ba ibalibag sa pader?" natatawang tanong niya. "Oo, hampasin ko sila, eh. So wala kang balak ligawan ‘yong gusto mo?" tanong ko ulit. "May balak. Pero sa ngayon, inspiration ko na lang muna siya." seryosong sagot niya. Kumabog ang dibdbib ko dahil nakatitig siya sa akin ng sabihin iyon. "Ikaw? Kanino ka in love ngayon kung naturn off ka na kay Jared?" tanong pa niya. "Hmm...kung maiinlove siguro ako ulit, doon na lang sa mabait, matalino, may respeto sa kapwa, responsable, may goal sa buhay. Parang…ikaw," wala sa loob na nasabi ko. "Tulad ko?" tila nasorpresang tanong niya. Pati ako angulat na nasabi ko pala ‘yon "Why not?" nangingiting sagot ko. "Eh, bakit tulad ko pa? Bakit hindi na lang ako mismo?" Napanganga ako sa sinabi niya. "Darren ha! Mukhang nakakasinghot na tayo ng kakaibang hangin dito sa L.A. Nahahawa na yata tayo sa kanila? Kung anu-ano na napag-uusapan natin. Lika na baka nandiyan na sundo ko," hila ko sa kanya patayo. Sumungaw ang simpatikong ngiti sa mga labi niya at tumango kaya naglakad na kami paalis. Napaisip ako sa sinabi niya kanina. Siguro nga kung magkakaroon ulit ako ng magugustuhan, gusto ko tulad niya. Or better yet siya na lang mismo. Hihi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD