“Manang Treny!” sambit ni Krypton at umalis siya sa ibabaw ko. Kumuha naman ako ng roba ko at isinuot ko ito. Nilapitan niya si Manang Treny at binuhat niya ito palabas. Ibinaba niya ito at ipinasok niya ito sa kuwarto. “Hindi kaya’y highblood si Manang Treny, Boss?” nag–aalalang tanong ko. “Hindi naman siguro dahil ngayon lang ito nangyari sa kanila,” saad niya s akin. “Ipatagalid mo si Manang Treny, Boss,” utos ko at ginawa naman niya. Kalaunan ay bumalik ang malay ni Manang Treny at ipinansandal ito ni Krypton. “Okay na po ba kayo, Manang? Wala ho bang masakit sa inyo dahil bigla kayong nawalan ng malay?” sunod–sunod na tanong ni Krypton. “Nahimatay ako dahil sa nakakita ako ng sirenong naninisid ng pirana. Aba’y iba ka palang sumisid, Sir Krypton dahil para kang linta na s

