"Bloody hell! What was that?”
Dumako ang mata ni William sa kapatid na si George na palapit sa kanya. Hindi niya napansin ang presensya nito dahil sa kasalukuyang tinitignan.
Did he had a conversation with the lady? Bago pa mamalayan ay tumutugon na siya sa sinasabi nito. He was asking her what she saying. Halatang may gustong sabihin sa kanya ang babae base sa paggalaw ng bibig nito.
"Siya ba ang tinutukoy ni Rick! Damn, I didn't know that we are guarding a girl as young as Ellis."
Ang tinutukoy nitong Ellis ay ang bunso at nag-iisang babae na babae ni Don Alvarez na nag-aaral sa New York. "Hindi ka ba nagtataka kung sino siya?"
Ipinagkibit-balikat ng kaharap ang naging katanungan. "I don't want to mind their own business. At maipapayo kong ganyan din dapat ang gawin mo William. Sa ating tatlo ay tama ng si Rick ang may hindi maayos na pag-iisip sa ngayon.” Binuntunan nito ng marahang tawa ang sinabi.
"I don't have anything against Don. Kung ano mang negosyo ang meron siya, as long as hindi niya tayo ini-involved doon ay bahala siyang magpanggap sa pagiging pilantropo niya. Pero gusto kong malaman kung bakit niya ikinukulong ang babaeng yun sa mataas na tore na yan."
"Come on. Find something interesting thing to do bukod sa pagtatanaw-tanaw mo. Baka may kasalanan siyang ginawa kaya siya nandiyan for all we know.” Sandaling tumanaw rin ito sa kinaroroonan ng babaeng nakakulong sa taas ng mataas na tore na kanugnog mismo ng bahay. Saka ito bumaling sa kanya. “Siya nga pala, baka gusto mong ayusin muna ang gamit mo. Wala ka nang oras pagkatapos ng shift dahil didiretso na tayo ng airport."
"Nakapag-empake ka na ba?"
"I wouldn't dare ask you if I'm not." Nakataas ang kilay na sagot nito.
"And Rick?" Muling tanong niya.
"He's nowhere to be found. I went to his room, but he's not there."
He arched his brow knowingly. "Mukhang trinatrabaho na naman niya ang babae niya."
"Let him. Ilang araw silang hindi magkikita. He will definitely miss her ass and precious thing." Sinabayan nito ng malisyosong tawa ang sinabi
“As if he cannot find one in the city!” He rolled his eyes. “Mukhang kina-career niya ang pagtrabaho sa babaeng yun. I don't want him to fall in love with her."
Bumadha ang pagtutol sa mukha nito. "Nah! Sa ating tatlo ay mas ikinakatakot ko na ikaw ang ma-in love Fitzwilliam. Mas magiging komplikado ang magiging sitwasyon mo kung sakali."
"Ano bang pinagsasasabi mo." Pagmamaang-maangan niya.
George smiled with humor. "You can hide it from anyone but not with me, brother. Malakas ang instinct nating magkakapatid. Pero ni hindi mo naramdam ang palapit ko kanina. Why I caught you two exchanging words to each other na parang nagkita na kayo."
Namutla siya sa tinuran nito. Biglang sumeryoso si George ng wala sa oras at nagpatuloy dahil sa pananahimik niya.
“I don't wanna break your heart as early as now. But she was placed there for a reason, William. Huwag mong bigyan ng kumplikasyon ang pagparito natin. We owed our lives to Don Alvarez."
"Owed? Tell that to Rick at tignan natin ang magiging reaksyon niya."
"Rick was being paranoid dahil sa babaeng kinahuhumalingan niya ngayon. Bukod sa nabuburyo na siya dito. Pagbalik natin galing sa misyong kakaharapin natin ay makikita mong mag-iiba siya." Pagbibigay konklusyon ni George sa estado ng isip ng isa pa nilang kapatid. "Now you go and prepare your things. One hour Will. Emputo ay dapat nakabalik kana." His eyes gave him a warning.
Will made a wide grin as a response. "Bakit hindi mo nalang lubos-lubusin ang generosity mo?"
"Ang tawag diyan ay pananamantala! Again William, hindi natin ginugulangan ang isat-isa."
Napalatak siya. "As you said big brother." Tinapik ito sa balikat. Pasimpleng tinapunan ng sulyap ang bintanang tinatanaw.
"Kasasabi ko lang. Be careful with your actions. Tandaan mong nasa palagid lang ang lalaking yun. Naghahanap yun ng maisususmbong kay Don." Ang tinutukoy ni George ay si Pilo na matagal ng naghahanap ng ikasisira nila sa pinaglilingkuran.
Hindi pinansin ni William ang tinuran nito at nagtuloy sa kwarto. Habang nag-aayos ng gamit ay laman ng isip ang naging engkwentro nila ng babaeng nasa taas ng tore.
Naroon ang pagnanais na makausap ito ng harapan. Alamin ang gusto nitong sabihin. And again, pinagsawa sa isipan ang muling pagkasilay sa magandang mukha ng dilag.
Iyun ang naging huling pagbabantay ni William bago tumulak ang magkakapatid na Legrand sa Maynila upang humarap kay General Guillermo.
*****
Samantala, nang sumunod na mga araw ay naging rutina nina Shinna at Eva ang panonood ng mga palabas. Kung hindi man ay kung ano-anong bagay ang ipinapakilala ng huli sa dalaga.
"Hindi na ba ako mag aaral ulit?" Biglang tanong niya habang nasa gitna sila ng panonood ng isang video.
"Hindi mo ba gusto ang ginagawa natin? Hindi kaba nako-curious sa mga bagay na ipinapakita ko sayo?"
Bumaba ang mata sa hawak na mga larawan. Ang sabi ni Eva ay larawan yun ng dagat, ng matatayog na gusali tulad ng malls, mga comdominiums, simbahahan at kung ano-ano pang pwede niyang malaman na pwede niyang makita paglabas niya kung sakali. Isang iling ang pinakawalan niya sa naging katanungan nito. “Naninibago lang ako." Tipid niyang sagot.
Maraming bagay ang nanatiling mga katanungan tungkol sa mga napapanood pero hindi kailangang i-detalye ng ganuon sa kanya ang lahat na para siyang bata. Hindi naman siya gaano ka-inosente. Sa likod ng isipan ay may mga malalabong alaala doon. Pero ang sabi ni Eva ay kailangang maging matalino siya. Dapat ay hindi lang daw basta alam lang niya ang tungkol sa isang bagay. Sinisigurado nitong alam niya kung anong tawag at para saan ang mga yun.
“Aren’t you tired? Kanina mo pa ako tinuturuan.”
“Kailangang matapos natin ang lahat ng ito. Kailangang pwersahin ko ng ipa-memorize sayo ang lahat ng hawak mo. Subukan mong kabisaduhin ang mga yan bago matulog.
She smiled sheepishly. “I will do it. Para hindi ka mahirapan.” Nahuli niya ang pag-ilap ng mga mata nito pero hindi siya nagtangkang magtanong.
Sa paglipas ng mga araw ay tuluyang nakalimutan ni Shinna ang tungkol sa pag-aaral ng mga lesson niya. Nagpokus siya sa gustong ipagawa ni Eva sa kanya.
Kung ano-anong mga bagay ang ipinapakita nito sa kanya na kailangang alalahanin. Mga regalong dumadating na hindi nito nais sabihin kung galing kanino kahit anong pagpupumilit niya. Ang sa tuwinang sagot nito ay mula daw sa puso ng isang tao labis-labis ang atensyong ibinibigay sa kanya. Na tanggapin lang niya ng bukal sa kalooban. Tulad ng mga napapanood niya sa mga palabas. Na sa malaon at madali ay makakaharap na niya ito. Maghintay lang daw siya sandali.
Gustong-gusto niyang tanungin kung ito rin ba ang taong nagkulong sa kanya doon tulad ng matagal na niyang hinuha. Pero wala siyang lakas ng loob na magtanong kay Eva. Dahil ang totoo ay natatakot siya. Natatakot siyang malaman kung sino ang nasa likod ng pagpaparoon.
Nang minsang tanungin ang babae kung bakit siya nakakulong roon ay pinagmalditahan siya nito. Ilang araw na hindi siya inimik maliban nalang kung may ipagagawa ito sa kanya. At hindi nais na maulit pa iyon. Hindi niya gustong sumasama ang loob ni Eva sa kanya. Kahit na sabihing madalas ay malamig siyang pakitunguhan nito ay mas gugustuhin pa rin niyang nakakausap ang babae kahit papaano. Better than no one to talk to at all, laging ibinibigay na rason sa sarili.
Nang gabing yun ay muling sumilip sa bintana si Shinna. Muling na-disappoint nang makitang wala na naman ang lalaking madalas tanawin. Gustong isipin na dahil sa ginawa niya nang huling beses itong makita kaya ito wala doon. Pinaghihinalaan na baka nga nakita siya ng lalaking kamukha rin nito at sinumbong ang ginawa niya kaya napahamak ang tinatanaw.
Sa tuwing iisipin iyun ay hindi maipaliwanag ang paninikip ng dibdib na nararamdaman. Parang pinipiga iyun. Hindi niya tiyak kung ano ang tawag sa emosyon na yun pero hindi niya nais pang maramdaman kung sakali.
Pero nang mapansing wala rin ang katagpo ni Eva ay iniisip nalang na baka umalis ang mga ito.