"Tatawag na ba tayo ng pulis, Wommie?" bulong ni Serina dahil sa dalawang dugyot na nakasunod sa kanila. Kanina pa nila ito napapansin ngunit hindi nila alam na si Ambross at Aru ito. "Huwag na muna, Seri. Baka mamaya e pareha lang pala ang pupuntahan natin." Sagot ni Wommie kahit maski sa sarili niya ay alam niyang sinusundan sila ng dalawang lalaking hindi pa nila namumukhaan. "Baka mamaya mga kidnappers sila," saad ni Serina. Hindi sumagot si Wommie. Nakatingin siya sa eye liner na bibilhin niya pero pinapakiramdaman niya iyong dalawang lalaki na sumusunod sa kanila ni Seri. Malakas ang pakiramdam niya na sila ang sinusundan dahil kapag tumitingin silang dalawa ni Serina doon sa dalawang lalaki, bigla itong tatalikod at maglalakad palayo. "Gutom na naman ako Wommie. Kain ulit tayo,

