Sinusulyapan ni Woreign ang kapatid niya habang nagmamaneho siya. Panay ito ngiti habang kaharap sa phone nito dahil sinend lang naman ni Wommie ang litrato niya kanina na hawak ang bulaklak na bigay ni Aru. Sumilip si Woreign sa cellphone ng kapatid at may nabasa siyang ilan sa conversation nito. Nabasa niya ang text mula kay Aru that telling Wommie to throw the withered bouquet na pinadala niya no'ng una. Pinanood ni Woreign ang reaction ng kapatid. Tinawagan kasi ni Wommie si Aru matapos mabasa na itapon ang lanta ng bulaklak na nauna nitong binigay. "How can you be so heartless?" unang sabi ni Wommie. Tahimik pa rin si Woreign, nakikichismis. "Pero bigay mo ang mga bulaklak na iyon. I should still keep it kahit na namatay na sila." Dahil malapit lang ang cellphone ni Wommie kay Wo

