Napatingin si Rem kay Marian na nakakapit kay Grey ngayon. Parang nagslowmo lahat sa utak niya ang pinag-usapan nila ng bata kanina. Bigla siyang napasinghap at namutla ng may napagtanto. “Manong, this is my mama po.” Nakangiting sabi ni Marian kay Rem na walang kamalay-malay sa nangyayari. “Marian, pumasok ka muna sa bahay anak.” Sabi ni Grey, hindi na makakurap sa labis na gulat. “Pero mama-" “MARIA RHIAN!” Sigaw ni Grey para lang sumunod sa kaniya ang anak niya. Nabigla si Marian at nang makita ang expression sa mukha ng mama niya, agad na niyang naitindihan na may hindi magandang nangyayari. Tumingin siya kay Rem bago siya pumasok sa loob ng bahay nila. Nang sila nalang ni Grey at Rem ang naiwan, agad na hinarap ni Grey si Rem na hanggang ngayon ay nakatanaw pa rin kay Marian.

