Another day of spoiling Wommie. Hindi na nakapagpigil si Wommie, tumayo na siya at dumiretso sa secluded place na alam ng lahat na office ng bago at gwapong chairman nila na si Warrius Malaque. Mag-iisang linggo na siyang walang halos ginagawa at naiinis na siya. Gusto niya magreklamo ng personal kung may nagawa ba siyang mali o ano at bakit hindi siya binibigyan ng matinong trabaho. Kinakabahan nga siya na baka nalaman ba ng boss niya ang pangba-backstab niya dito. “Oh, ma’am Wommie, bakit nandito po kayo?” takang tanong ng isang utility worker. “Sa tingin mo, nandito ba ang boss natin?” tanong ni Wommie sabay tingin sa office ni Aru. “Si sir Aru?” tanong nito. Tumango si Wommie. “Hindi ko po siya nakikitang pumapasok ng opisina kahit na maaga akong pumapasok. Hindi ko po alam ma’am

