(12 years later) “Kuya, sigurado ka ba?!” tanong ni Clarissa sa kabilang linya. “Yeah. It’s time for me to settle down,” sabi ni Aru. “Is it about Wommie, kuya? Hanggang ngayon ba ay hinihintay mo siyang umuwi?” Nakagat ni Aru ang pang ibabang labi niya. Tumingin siya kay Clark na mariing nakatitig sa kaniya. Hindi pa rin niya sinasabi sa pamilya niya na may anak na siya and that, sila pa rin ni Wommie at 12 years ng nagkikita ng palihim. “Yes, princess. Hahanapin ko lang ang love of my life ko.” Pabirong sagot ni Aru. Napabuntong hininga si Clarissa at naaawa sa kuya niya. Remnants of their dad got caught and surrendered. Aru won projects after projects kaya mas lalo siyang naging mahirap banggain. He gained more power and connections to the point na hindi na siya yung batan

