Naging malapit si Serina at Ambross sa isa't-isa, ganoon rin sila ni Wommie. Akala ni Serina na maayos na at magtuloy-tuloy na ang meron sa kanila ni Ambross, ngunit nagulat siya ng magising isang gabi na katawagan ni Ambross si Elora. "Bakit ka tumawag? Serina is sleeping." Tumayo si Ambross at lumabas ng cabin. Napapikit so Serina at nasaktan na ang lalaking papakasalan niya ay namamangka pa rin sa dalawang ilog. So ganito ang ending namin dalawa? Kapag tulog ako ay mambaba-babae siya? Gustong umiyak ni Serina. Umasa siya na magiging maayos na sila ni Ambross but sa nangyayari ay mukhang nagkamali siya. Mula elementary hanggang high school at college, laging si Ambross lang ang nakikita niya. Kaya nasaktan siya ng husto ng sabihin ni Elora na may namamagitan sa kanila ni Ambross.

