Nakabalik nalang si Wommie sa office niya ay hindi pa rin matanggal ang ngiti sa labi niya. Syempre, agaw pansin ang bouquet na bigay sa kaniya ni Aru kaya lahat ay binabati siya at tila ba ay kinikilig pa. Naiintindihan ni Clarissa na kinikilig si Wommie pero hindi niya gets kung bakit tila yata pati kuya niya ay para ng kamatis ngayon sa sobrang pula. “Kuya, mabibisto ka in no time,” sumimangot si Aru pero ngumiti na naman ulit ng makita ang ngiti ni Wommie sa table nito. Nayayamot na si Clarissa sa kaniya. “Ah kuya, stop smiling. Halata ka masiyado. Sabi ko naman sa’yo e na bad idea itong pagdi-disguise mo as Trooper.” Tumingin si Aru sa kaniya. “Paano naman naging bad idea? Natututo ako paano magtrabaho ng walang special treatment na binibigay.” Kumibot ang labi ni Clarissa. “Iy

