“Are you close with Peres?” tanong ni Aru habang nakaunan siya sa mga hita ni Wommie. Nasa cabin ulit sila at si Wommie ay nagbabasa ng libro na pinahiram ni Fero sa kaniya. Ika-anim na araw na niya sa barko at naging kaibigan na ni Wommie si Jed na masungit lagi sa kanila, si Hut na maloko, at si Fero na lagi siyang tinutukso. Si Floyen at Peres naman nakakausap rin nila ni Serina kaya masasabi na ni Wommie na nakatagpo siya ng mga taong naging kaibigan niya sa loob ng anim na araw sa barko. “Tubig,” request ni Wommie. Kinuha ni Aru ang water bottle na nasa tabi niya, binuksan iyon at agad na binigay kay Wommie. “Why are you not answering me?” tanong ni Aru sa kaniya. Uminom si Wommie ng tubig bago niya binalingan si Aru. “Peres is a nice guy saka siya ang chef dito. Wala naman siyan

