Nakatulog si Wommie at saka lumabas si Amelie. Agad siyang yumakap sa asawa niya habang ang tatlo pa niyang anak ay nakatingin sa kaniya. "How is she, ma?" tanong ni Woreign. "She's fine. Ginigiit niya na iniwan niya iyong manliligaw niya sa barko. Hindi ko alam anong ibig niyang sabihin sa sinabi niyang iyon." Napahilamos ng mukha si Wocre. "This is Rem's fault. Kung pinili niya sana ang kapatid ko at hindi pinaasa, hindi ito hahantong sa ganito." "Kuya Wocre, best friend si Rem at Wommie." Ang sabi ni Woxis. "Let's sleep for tonight. Bukas, kakausapin natin si Wommie kung saan ba talaga siya galing. Maaga akong pupunta sa MGC bukas to check about this incentives." Ganoon nga ang ginawa nila. Kinaumagahan, maagang umalis si Wommin kasama ni Woreign at pumunta ng MGC. Nasa informati

