"Captain! Sandali, Cole!" Napatigil ako sa hallway nang marinig ang sinigaw na pangalan. Natanaw ko si Cole na tumatakbo sa field, sa likuran niya ay si Jerome — kasamahan niya sa laro ang tumatawag sa kaniya. The field is filled with players, lalo ang team ni Cole. Malapit na kasi ang finals kaya pursigido talaga ang lahat sa pag-i-ensayo. Napanguso ako nang maalala kung paano magtama ang tingin namin kanina. Wala naman akong plano na panuorin siya mag-ensayo. Kaya lang, medyo hindi maganda ang gabi namin. Alalang-alala kasi siya kahapon. Hindi ako nakapagpaalam na lalabas dahil hindi naman iyon ang nakasanayan ko. I explained my side to him and he said he understands me but next time, I shall update him my whereabouts. Willing naman akong gawin iyon. Kailangan ko lang din sanayin a

