He didn't join me for breakfast. I just shrugged it off. Umalis na rin siya matapos. Samantalang ako ay nanatili lang sa loob ng bahay, walang plano maliban sa magsulat. Muli akong pumwesto sa sala at nagtipa nang nagtipa sa laptop. Hindi ko na sinubok pang pumikit at kagatin ang labi dahil na-trauma na yata ako noong nakaraan kung kailan nahuli ako ni Cole sa ganoong tagpo. Iwinaksi ko ang kaisipan na iyon at nagpokus na lang. I wonder if I'd be like my character. I created her as a weak girl who have lost her self control and gave in to her desire— sa isang lalaki na katulad ni Cole, mapaglaro at mapangtukso. I hated her character because of that. Gano'n siya kadali sumuko, gano'n siya kabilis bumigay sa init ng katawan na hatid ng lalaki. I don't like to be her. She's totally th

