Athena's POV Malakas akong umiiyak dito sa kwarto ko. Madami na ding nagkalat na tissue sa ibaba ng bed ko. Ilang oras na akong nagngangangawa pero di parin nauubos ang mga luha ko. Di parin nawawala amg sakit sa puso ko. Bakit ang unfair naman ng buhay? Kung sino pa ang mahal mo siya pa ang mananakit sayo. Siya pa ang magpapaiyak sayo. Hinawakan ko ang kwintas na binigay ni Jecho sakin. "Wala kang kwenta. Isa kang malaking paasa hayop ka!!!" Marahas kong tinanggal sa leeg ko ang kwintas at nilagay sa loob ng drawer ko. Ang sakit sakit ng loob ko. Sobrang nasaktan ako sa mga ginawa niya dati pero yung sabihin niya mismong ayaw niya sakin, maa masakit pa sa masakit yun. Nakita kong pumasok si Kei sa kwarto ko at umupo sa kama ko. "Tama na yan. Di lang naman siya ang lalake sa mundo." I

