Ilang minuto munang pinagmasdan ni Pietro ang pigura ni Tiara na mahimbing na natutulog bago siya lumabas sa kwarto at nagtungo sa mini bar kung saan niya huling nakita ang kaibigang si Payton. Pagkapasok sa loob ay naroon pa rin at prenting nakaupo si Payton habang umiinom ng alak. "Why are you still here?" Tanong niya sa kaibigan at tumabi rito. "Pinapaalis mo na ba ako? Nakakaistorbo na ba ako sa inyo?" Malokong tugon nito, nakasilay ang malokong ngiti nito sa mga labi. "Oh! Come on Payton, alam kung may kailangan ka na naman kaya hindi ka pa umaalis, spill it already," saad niya. "Well actually wala akong kailangan, alam mo kung bakit pa ako nandito Del Fargo." Walang emosyong tugon nito. Sinamaan niya lang nang tingin si Payton. Biglang sumeryoso ang ekspresyon nito at napabunton

