"What am I doing in a tailor shop, Pietro?" Tanong ni Tiara kay Pietro sa kabilang linya, hawak niya ang kanyang cellphone sa kaliwang kamay at nakadikit ito sa kanyang tenga dahil kausap niya si Pietro sa kabilang linya, habang ang isa niyang kamay naman ay hawak ang maliit na kulay luntiang papel kung saan naka-imprinta ang pangalan ng isang tailor shop. Kanina pa siya naglalakad sa kalyeng ito pero hindi niya mahanap-hanap ang tailor shop na sinasabi sa kanya ni Pietro. "They're one of the finest tailor shop in the country, honey. I told them to prepare some dresses for you but I don't know your body stat, all I know is that you're tight." Tugon ni Pietro sa kabilang linya at narinig niya itong tumawa dahil sa kapilyuhan nito habang siya naman ay hindi niya mapigilang pamulahan ng pisn

