Kabanata 2

1154 Words
Masakit, iyan ang naramdaman ni Tiara pagkagising niya, hapong-hapo ang katawan niya na parang pinagtulungan siyang gahasain ng sampung demonyo, dumagdag pa ang ulo niyang parang binibiyak sa sakit. Hindi na niya maalala kung ano ang mga pinaggagawa niya kagabi at kung paano siya nakauwi. T-teka, paano nga ba siya nakauwi? Inilibot niya ang paningin sa paligid at doon niya napagtantong wala siya sa kanyang sariling kwarto. Kung ganoon nasaan siya? Paano siya napunta sa kwartong iyon? Napansin niya ring iba na ang suot niyang damit. Ano ba talagang nagyari? Bakit wala siyang maalala? Halos sampung minuto na siyang nag-iisip ng biglang bumukas ang pintuan ng kwartong kinalalagyan niya at iniluwa noon ang bulto ng isang matikas na lalaki na ang tanging suot lang ay isang pulang boxer brief. "Sino ka? Anong ginawa mo sa akin? Bakit ako nandito?" Sunod-sunod na tanong niya sa lalaki. Seryoso lang siya nitong tiningnan, medyo naaasiwa siya sa anyo ng lalaki kaya inilihis niya ang kanyang tingin sa may bintana kung saan pumapasok ang sinag ng araw. "Well, I'm Pietro, wala akong ginawa sa iyo pero ikaw may ginawa sa akin, and bakit ka nandito? Sinukahan mo lang naman kasi ako kagabi then nawalan ka ng malay." Sagot sa kanya ng lalaking nagpakilalang si Pietro. Sinukahan niya ito? Bakit wala siyang maalala? "I-Ikaw ba ang nagpalit ng d-damit ko?" Tanong niya rito. "Yes!" Walang gatol nitong sambit, napatakip siya sa kanyang bibig, ibig-sabihin nakita nito ang katawan niya? Ang buong kahubdan niya? "You don't remember everything you did last night, don't you?" Tanong nito, umiling lang siya bilang sagot. "You act like a b***h last night, sayang at hindi ko nakunan ng video iyong pag-indayog mo sa ibabaw ko." Napalitan ng nakakalokong ngiti ang seryoso nitong mukha kanina, habang siya'y tila tinakasan na ng dugo dahil sa kahihiyan. "Pervert." Iyon na lang ang nabanggit niya bago niya ito sugurin at pagpapaluin ng unan. Ngunit dahil sa laki ng katawan nito ay madali lang nitong nakuha sa kanya ang unan. "Come on, sino ba ang pumasok sa kotse ko? Diba ikaw? You are the pervert not me." Maloko na naman nitong turan. Doon niya lang napagtanto na mali siguro ang sasakyang pinasukan niya kagabi, hindi siguro, talagang mali ang sasakyang pinasukan niya. "P-pero alam mong lasing ako, pinagsamantalahan mo ang pagkakataon." Pagrarason niya rito, hindi niya alam kung anong pinaggagawa niya kagabi pero sana walang nangyari sa pagitan nila na mas malalim pa sa iniisip niya. "Tsk, I didn't even touched you, lahat ng ginawa mo kagabi ay kagustuhan mo kaya huwag mo akong sisihin, at huwag kang mag-alala walang nangyari sa atin." Saad nito at nagtungo sa cabinet at binuksan iyon, kumuha ito roon ng isang damit at agad isinuot bago muling humarap sa kanya. "Nakahanda na ang pagkain, kung nagugutom ka'y sumunod ka na lang sa akin sa labas." Turan nito at lumabas na ng kwarto. Ngayong binanggit nito ang salitang pagkain ay tila biglang kumalam ang tiyan niya, kailan nga ba siya huling kumain? Kahapon pang umaga ang huli niyang kain. Hindi niya alam kung susunod ba siya sa lalaki, gusto niyang kumain pero mas gusto niyang makaalis na sa lugar na 'yon. Nakita niya ang kanyang suot na damit kagabi, kinuha niya iyon at ipinalit sa ipinahiram na damit sa kanya ng lalaki, matapos makapagpalit ay kinuha niya ang kanyang purse at lumabas na ng kwarto. Naabutan niya ang lalaki sa labas na nagkakape habang nagbabasa ng magazine. "S-salamat." Mahinang saad niya pero sapat na para marinig ni Pietro ang kanyang sinabi. Hindi niya alam kung ano ang ipinagpapasalamat niya rito, dahil ba sa wala itong ginawang masama sa kanya o dahil sa pagpapatuloy nito sa kanya kahit hindi naman sila magkakilala, kung ano man sa dalawa ay nagpapasalamat na lang talaga siya't walang nangyaring masama sa kanya. "Aalis ka na?" Tanong nito ng hindi inaalis ang tingin sa binabasang magazine. "Y-yeah. Salamat ulit." Saad niya at tumango lang ito bilang tugon kaya naman naglakad na siya palabas ng bahay ni Mikhail, then suddenly she realise masyadong malaki ang bahay nito at hindi niya alam ang daan palabas. Bumalik siya kung saan naroon si Mikhail, kasalukuyan itong umiinom ng kape. "Uhm, pweding ituro mo sa akin ang daan palabas?" Tanong niya rito. Inilagay nito ang tasa ng kape sa kalapit na mesa at tumayo. Nauna itong maglakad sa kanya habang siya'y tahimik na sumusunod lang dito. Ilang pasilyo rin ang dinaanan nila bago nito buksan ang isang pintuan, mga puno't halaman ang bumungad sa kanila sa labas, ang ganda ng paligid. Hindi niya mapigilang mamangha sa mga nagliliparang paru-paru, sa wari niya'y nasa isa siyang fairy land. Natigil lang siya sa pagkamangha ng magsalita si Pietro. "Nice to meet you, Tiara, by the way ihahatid ka ni Jason pauwi." Turan nito bago isara ang pintuan, p-paano nito nalaman ang kanyang pangalan? Hindi naman niya sinabi rito, siguro pinakialamanan nito ang kanyang gamit. Napailing na lamang siya at tumalikod, ng sa pagtalikod niya'y may mabilis na kotseng huminto sa harap niya, napasinghap na lamang siya sa gulat. Bumaba roon ang isang mga nasa trenta anyos na lalaki, nakasuot itong uniporming pang driver, ito na siguro ang sinabi ni Pietro na maghahatid sa kanya. "Pasok na po ma'am." Nakangiti nitong saad sa kanya bago buksan ang pintuan sa may bandang likod. Pumasok siya sa loob at agad naman nitong isinara ang pintuan. Ilang sandali pa ay pinaandar na nito ang sasakyan at marahang pinatakbo. Ilang minuto na nilang tinatahak ang daan patungo sa bahay niya, tama naman ang dinadaanan nila pero ang ipinagtataka niya lang ay bakit hindi nito tinatanong ang eksaktong address niya? Pati ba iyon alam na rin ni Pietro? Ano pa ba ang alam nito sa kanya? Alam na rin kaya nito ang nangyari sa kanya? Tsk, malabo. Hindi na siya nagulat pa ng sa mismong tapat ng bahay siya nito ihinto, ang ikinagulat niya ay ang presensya ni Selena sa tapat ng bahay niya, makailang ulit na nitong pinipindot ang doorbell ng bahay niya. Bobo ba ang babaeng 'to? Hindi man lang nito napansin na wala siya sa loob ng bahay. Matapos makapagpasalamat kay Jason, ang driver ni Pietro ay isang buntong hininga muna ang pinakawalan niya, pagkaalis ng kotse ay itinatak niya sa isipan niya na kailangang hindi nito makitang nasasaktan siya. Isang pekeng ngiti ang ipinakita niya rito ng mapansin nito ang kanyang presensya. "You!" Mariin nitong turan pero hindi siya nagpatinag. Lumapit ito sa kanya at isang malutong na sampal nito ang bumungad sa kanya. Hindi na siya nakatiis pa kaya isang malutong na sampal din ang kanyang iginawad rito. Lintek lang ang walang ganti. "Ikaw pa ang may ganang manampal sa'ting dalawa ha? Ang kapal naman talaga ng mukha mo, pwedi na siguro 'yang pangkiskis sa napakaitim na budhi mo." Tuya niya rito, tila nagulat pa ito sa sinabi niya, she used to be calm and doesn't like to argue, but that was before, noong hindi pa siya nasasaktan. Hindi na niya hahayaang masaktan pa siya nitong muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD