Kanina pa pinagmamasdan ni Pietro si Tiara, nakahiga sila ngayon sa maliit na kama at pinagkakasya ang kanilang katawan doon. Nakasandal ang ulo ni Tiara sa kanyang braso habang ang kamay naman nito ay nakapatong sa kanyang tiyan. Hindi niya alintana ang ginaw ng hangin na pumapasok sa loob ng sirang kubo dahil sapat na ang init ng katawan na ibinibigay sa kanya ni Tiara, mahimbing na itong natutulog kaya naman malaya niyang napagmamasdan ang kabuonan ng dalaga. Inamoy niya ang buhok ni Tiara at napapikit na lamang siya habang nanunuot ang amoy ng ginamit nitong shampoo. Napakabango. "What are you doing to me Tiara?" Mahina niyang tanong sa kanyang sarili at napailing na lamang. Kahit kailan wala pa siyang sinabihan ng sikreto niya pero pagdating kay Tiara ay tila napakadali lang sa kan

