"Nandito na po tayo, sir." Sambit ni Jason kay Pietro kaya agad na tumingin si Tiara sa labas ng bintana at hindi niya mapigilang biglang makaramdam ng sobrang excitement nang makita ang matayog na building ng Morello Hotel, sobrang modern ng styling ng hotel kaya naman nakakahalina talaga ito pagmasdan mula sa labas pa lamang. Naunang lumabas si Pietro sa sasakyan at pagkatapos ay pinagbuksan siya nito at inilahad ang kamay sa kanyang harapan, hindi niya maiwasang makaramdam ng kilig pero hindi niya iyon ipinakita kay Pietro dahil sa nahihiya siya, inabot niya ang kamay ni Pietro at pagkatapos ay dahan-dahan siyang lumabas sa sasakyan. Hindi niya alam kung bakit medyo kinakabahan siya ngayong gabi, hindi naman ito ang unang beses na nagsuot siya ng eleganting damit at mataas na heels dah

