Kabanata 4

1052 Words
Hindi inaasahan ni Tiara na isang kabayo pala ang sasakyan nila ni Pietro sa pamamasyal. Noong nagdinner kasi sila ay inimbita siya ng lalaki na mamasyal sa Rancho Del Fargo, isa iyon sa pinakasikat na Rancho sa bansa kaya naman hindi siya nagdalawang isip na sumama rito, hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makapasok doon, siguro'y nagtatrabaho si Pietro sa rancho kaya may access ito roon. "S-sa kabayong iyan tayo sasakay?" "Yup. Napakaputik kasi ngayon sa kaparangan, mahihirapan tayong pumasok kapag kotse ang ginamit natin. Bakit takot ka ba sa kabayo?" Nakangiting saad ni Pietro. "Ah, h-hindi naman. K-kaya lang, iisa lang ba ang kabayong sasakyan natin?" Hindi niya alam kung saan nanggaling ang tanong na iyon, siyempre iisa lang ang kabayong sasakyan nila kasi hindi naman siya marunong magpatakbo ng kabayo. Kung minsan lumalabas din kaengotan niya. "Well, may isa pa namang bakanting kabayo kaya lang...marunong ka bang mangabayo?" Wika nito ng may pagdududa, napalunok naman siya sa sinabi nito. "S-susubukan ko?" Patanong niyang wika rito, ngumisi naman ito at tiningnan siya na parang hindi sang-ayon sa sinabi niya. "Mas mabuti pa sumakay ka na lang. Promise, hindi maglokoko itong si Chantal, hindi ko hahayaang masaktan ka." Sambit nito na para bang may iba pa itong gustong ipakahulugan sa nga huling salitang binanggit nito. "S-sige." Wala na siyang nagawa pa kundi ang sundin ang suhestiyon ni Pietro. Inalalayan siya nito pasakay sa kabayo, ng kumportable na siyang nakasakay ay ito naman ang sumakay sa kabayo kaya ang siste nila ay nasa unahan siya habang ang lalaki ay nasa kanyang likuran. Natigilan siya ng abutin nito ang renda ng kabayo. Nagkadikit kasi ang kanilang katawan, ramdam niya ang matitipuno nitong braso at ang malapad nitong dibdib. Sa wari niya'y may mga boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kanyang katawan. "Heya!" Sigaw ni Pietro at tinanggal ang renda sa kabayo, noong una ay marahan lang na naglalakad ang kabayo pero ng magtagal ay mabilis na itong tumatakbo, hindi niya mapigilang mapahawak sa braso ni Pietro. Natigilan siya ng tumama ang mabango nitong hininga sa kanyang pisngi. Hindi niya maintindihan kung bakit tila nalulugod ata siya sa pakiramdam na iyon, kung bakit tila napakasarap amoyin ng hiningang ibinubuga nito at tila may kung anung nagsasaya sa puso niya. Gayunpaman, hindi niya hinayaang mapapikit ang kanyang mga mata at baka tuluyan na siyang higupin ng kanyang pantasya, nakakalito ang pakiramdam na 'yon. Nakarating sila sa isang lugar na maraming mga burol, napakagandang pagmasdan ng mga iyon lalo pa't hindi masyadong mainit ng araw na iyon, naunang bumaba si Pietro at agad nitong inilahad ang kamay sa kanya para alalayan siya sa kanyang pagbaba. Nginitian niya ito bago tinanggap ang kamay at inihakbang ang paa, ngunit hindi pa siya tuluyang nakakababa ng biglang tumindig ang kabayo kaya naman napasigaw siya sa bigla at mariing hinawakan ang kamay ni Pietro, ipinikit niya ang kanyang mga mata ng akmang mahuhulog na siya, ipinagdasal na lang niyang huwag sana ang mukha niya ang magalusan. Ilang sandali pa'y walang siyang sakit na naramdaman. Unti-unti niyang ibinuka ang kanyang mga mata at napamulagat na lamang siya ng mapansing ilang dangkal na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha, kapag gumalaw pa ito ay tiyak na maglalapat talaga ang kanilang mga labi. "H-huw---." Huli na para pigilan pa ang paggalaw ni Pietro, ramdam niya ang napakalambot na labi nito na lumapat sa kanyang mga labi. Kapwa sila natigilan, hindi alam ang susunod na gagawin. Pero aaminin niya, napakasarap sa pakiramdam ang paglapat ng mga labi nito sa kanya, sa wari niya'y dinadala siya sa alapaap. Hindi niya namalayang siya na pala mismo ang gumalaw, mapangahas ang kanyang mga galaw na sinusundan naman ng lalaki, hanggang sa kapusin sila ng hininga. Doon lang siya parang natauhan, agad siyang tumindig at tinalikuran ang lalaki. "Mali ito." Mahina niyang saad, mali itong ginagawa niya, hindi sila kaya hindi dapat sila maghalikan, pero nagsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya nasarapan sa halik nito, na pinagsisisihan niya ang ginawa niya rito. Fvck! Ano ba itong nangyayari sa kanya. "Hindi mali iyang nararamdaman mo, Tiara." Sambit ni Pietro sa kanyang likuran at hinawakan ang kanyang mga braso, gusto niyang maniwala sa sinasabi nito pero ayaw ng isipan niya. Pinaharap siya nito kaya naman nagtama na naman ang kanilang mga mata, gusto niya sanang iwasan ang mga titig nito pero hinawakan nito ang kanyang mukha. Hindi niya mawari kung ano ang gustong ipahiwatig ni Pietro sa mga titig niyang iyon. "Huwag mong pigilan ang nararamdaman mo." Nakangiting wika nito sa kanya at inilapit ang mukha. Huminga muna siya ng malalim bago nakipagtitigan sa binata, bahala na si batman kung ano man ang kahihinatnan ng araw na ito. Inilapat niya ang kanyang mga labi sa mapag-imbitang labi ni Pietro, hindi naman siya nito binigo at nakipagtagisan sa paghalik ss kanya. Ilang minuto rin nilang sinibasib ang mga labi ng isa't isa bago sila maghiwalay. "Una pa lang kitang nakita gusto na kitang angkinin Tiara, pero alam ko na kapag ginawa ko iyon ay kamumuhian mo ako. Hindi ko alam kung ano itong nangyayari sa akin pero simula no'ng umalis ka sa bahay ko'y hinahanap-hanap na kita. Nababaliw na ata ako sa'yo." Paglalahad nito sa kanya at inilihis ang tingin na tila ba'y nahihiya ito sa sinabi kanina. Nanatiling nakatikom ang bibig niya, hindi niya mahagilap ang tamang salitang sasabihin dito, si Leo lang naman kasi ang naging karelasyon niya at hindi naman ito kagaya ni Pietro kung magsalita, dinaan lang naman siya nito sa mga bulaklak at chocolates noong nanliligaw ito sa kanya kaya naman bago para sa kanya ang makarinig ng mga ganoong pagtatapat. "Ah, m-mas mabuti sigurong bumalik na tayo?" Saad niya, ramdam niya ang tila pag-iba ng hangin sa pagitan nila. Huminga muna ito ng malalim bago tumitig sa kanyang mga mata. "Sige." Saad nito na di man lang naitago ang lungkot ng boses, tila nakokonsensya siya na para bang nakasalalay sa kanya ang kasiyahan nito. Sa kaunting panahon na magkasama sila ni Pietro ay alam niyang may kakaiba siyang nararamdaman dito pero hindi sapat iyon para matugunan niya ang gusto nito. Parang napakabilis ata ng mga pangyayari, ilang araw pa lang ang lumipas mula ng magkakilala sila, siguro kung nagtapat ito at hindi basag ang puso niya'y baka may tsansa pa ito sa kanya, pero ngayon? Parang napakahirap na sa kanya ang magtiwalang muli at ibigay dito ang kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD