Nicole POV "Bakit mo ba ako pinapunta—" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at agad ko itong sinampal sa pisnge. "Ano to ha?!" itinapon ko sa mukha ni Lorenzo ang mga litratong ipinadala sa akin sa mismong condo ko. "Ang lakas mo namang manakot! Baka nakakalimutan mo na pare-pareho tayong babagsak." napupuyos ako sa galit habang nakatingin sa kanya. Pinulot naman niya ang isa sa mga litrato. "Wala akong pinapadalang ganito sayo." inilapag niya ang hawak-hawak niya at sinimulan niyang usisain lahat ng mga pictures na nakuha ko sa hindi kilalang lalaki. "Wala kang pinapadala? Eh ano yan? Sinabi ko sa inyo na burahin niyo lahat ng mga kuha niyo per bakit may mukha ako dyan!" idinuro ko lahat ng mga litratong ipinadala sa akin. Ang laman kasi ng litratong iyon ay pagpasok ko s

