This chapter have a mature content Stacy POV "Sa tingin mo magiging masaya kayo? Kahit nakakulong ako sisiguraduhin ko pa rin na masisira ang buhay niyo." matalim na pagkakasabi sa akin ni Nicole. Sa lahat ng ginawa niya sa amin hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya. Siya ang naging dahilan kung bakit nasira ang buhay namin na ngayon ay inaayos namin. "Sa tingin mo ba magiging masaya ka sa ginagawa mo? Sinubukan mo na bang tumingin sa salamin? Sa ating lahat ikaw ang mas nakakaawa, bakit? Dahil hanggang ngayon nagmamakaawa ka pa rin na mahalin ng asawa ko. Nicole hindi pa ba sapat sayo na nawala ang anak namin ng dahil sayo? Isang inosenteng bata na nasa sinapupunan ko ang pinatay mo." mapakla siyang tumawa. "Alam ko na dati pa na ikaw ang gusto ni Laurence pero hindi ako

