Hawak ni ginang Katie ang mensaheng galing sa kung sinuman. Pinadala ito sa numero ni Cadnys. Nagkamalay na ito at gaya ng ginang ay hindi mapirmi sa kinuupuan. Panay lagok sila ng isang basong tubig dahil sa nerbyos. "Mali ako, ma. Nagtiwala ako sa lalaking iyon." Hindi maiwasan ni Cadnys na mapaluha dahil sa nararamdamang nerbyos at halu-halong emosyon. "Let's stay calm, hija, gumagawa na ng paraan sina Glenn." Pinapakalma nito si Cadnys. "Hindi ko po alam kung bakit n'ya 'yon ginawa, hindi ko po alam..." "I guess, tauhan siya ni Sofia," sa sinabing iyon ni ginang Katie aty may naisip sila. Tumingin ito kay Cadnys saka hinawakan ang kamay nito. "Bakit po?" "We must talk to Ysabella." "Pero...hindi po ba't nasa hospital siya? Nagising na po ba siya sa coma?" "Oo, nagising na s

