Eskwela

2630 Words
Kasalukuyang nagdidilig ng halaman c Francine sa labas ng bahay ng may nag doorbell . Pinatay muna nya ang gripo at pumunta sa gate. " Magandang umaga po .Sino po cla?" "Magandang umaga din po.Ako po c Japhet." "Ahh,anu po ang kailangan mo?" "Maglilinis po ako ng garden ." "Ay ikaw po pala.Pasok po kayo" binuksan ni Francine ang gate at pinapasok ang binatang c Japhet. "Bago ka cguro dito anoh" "Ah oo .Umuwi c ate Mina sa amin kaya ako ang pumalit sa kanya." "Na kwento nga ni papa un" "Hah?" "Ay d ko pala nasabi.Anak akong pangay ng driver nila dito" nakangiting saad nito. "Ahh, " napatango na lng ako sa turan nya. Natulala naman ito sa harapan ko na parang pinag aaralan ang muka ko.Titig na titig ito at d ako komportable sa paraan ng paninitig nya. "M-may dumi ba ako sa muka?" "Ha-ah wala wala" sabi nito at nagbaling ng tingin . "Ikaw na dito?" tanung ko . "Cge at ako na ang bahala dito." Tumalikod na ako at pumasok sa loob. "Nak tawag ka ni maam Marivic.Nasa taas sya sa kwrto nya." bungad sa akin ni mama . "Cge po ma panhik na ako" Tatlong katok ang ginawa ko bago ko narinig ang salitang pasok kaya pinihit ko na ang doorknob at pumasok. 'Ang bango naman ng kwarto ni maam.Ang laki laki pa' "Maupo ka hija" tinuro nito ang pang isahang sofa sa tapat ng king size bed nilang mag asawa. "Dumating na ba c Japhet para mag ayos at maglinis ng harden?" "Opo mam" "Mabuti naman" "Kumusta ka naman dito?" "Ok lng po mam.Naka adjust na po .Kabisado ko na din ung mga gawain at pasikot sikot dito" "Mabuti naman kung ganun" "Bale nasabi na ba sayo ng mama mo na pag aaralin kita?" "Opo maam .Salamat po dun" "Dun kana papasok sa paaralan nila Bino para makasabay kana sa paghatid sundo ni Naldo at d kana mahirapan pang mag commute kung sa ibang paaralan ka pa mag aaral.Sabi din ni mama mo eh matalino at masipag kang bata."nakangiti at mataman nya akong tinignan. "Maraming salamat ho mam" abot tenga ang ngiti ko dahil sa sinabi nya.Private school ang paaralan nila sir Bino kaya cgurado na magandang school yun. "Cge cge.At pakidala na lng ito sa baba ha."turo nya sa tray na merong thermos at tsa ng kape "Nag represinta na un Kuya Mark mo na sasamahan ka daw mag enroll." "Opo nasabi din po ni kuya Mark" "Baba na po ako Maam" Salamat po ulit"yumuko pako para pag galang. Tumango lng siya at excited namn akong lumabas.D ako makapaniwala na totoong mag aaral na nga talaga ako.At sa pribadong paaralan pa talaga.Dati pangarap ko lng un ang makapag aral sa pribadong paaralan.Ang gaganda kasi ng school uniform nila .Aircon pa daw un ang bawat classroom. Masaya ako habang naglilinis sa buong bahay.Minabuti ko ang paglilinis dahil pag aaralin nga ako.Mabilis lng lumipas ang mga araw at dumating na nga ang pinakaaantay ko .Ang mag enroll sa eskwelahan nila sir Bino.Kagabi pa lng sinabihan na ngaun araw daw nya ako eenroll.Kaya maaga ako nagising ,naligo at naghanda ng almusal.Mag uumagahan daw kasi dito c sir Bino kaya niluto ko ang hotdog ,bacon at fried rice. Pagkatapos kung magluto ay naligo na din ako.Nasa likod bahay c mama nagsasampay ng nilabhan.Pumunta ako sa kanya para makapagpaalam na ngaun ang alis namin ni sir Mark para makapag enroll na. Kumakain ako nung may nagsalita sa likuran ko. "France naihanda mo na ba ang mga documents mo para sa pag enroll?" "Opo kuya Mark" "Mabuti naman. Pagkatapos mung kumain jan aalis na tayo" Kumuha siya ng baso at nagsalin ng tubig. "Kuya!" biglang sulpot ni sir Bino. Muntikan nang mabitawan ni kuya Mark ang baso dahil sa biglang pagyugyog ng kapatid dito. "Anu ka ba naman Bino!.Para kang bata eh.Bigla2 ka na lng susulpot jan muntik ko nang mabitawan tong baso."asik ni kuya Mark dito. Nakangisi lng c sir Bino dito .D alintana ang pagkainis ng kapatid nito. "Kuya sasama ako sa inyo papunta school" at bumaling sa akin.Nagtama ang aming paningin.Napahiya ako bigla at yumuko,pinagpatuloy ang pagkain. "S-sir luto na po agahan nyo" inangat ko unti ang aking muka para pagalang na din. "Bilisan muna jan at may pupuntahan pa ako pagkatapos kung e enroll c Francine." sabi ni kuya Mark at umalis na sa harapan namin. Agad kung tinapos ang pagkain ko at tumayo na para dalhin sana sa sink ang pinagkainan ng hawakan nya ang aking kamay.Napapitlag pa ako sa gulat sa di inaasahan na ginawa nya. "Stay ,samahan mo muna akung kumain. " seryuso nyang saad sa baritonong boses. Binalingan ko siya pero sa sahig lng ako nakatutok. "Pero tapos na po akung kumain eh" "Kukunti pa lng ung nakain mo.Sabayan mo.muna ako." at hinila na ako sa tabi nyang upuan.Wala na ako magawa at naupo na lng. Nagsandok na siya ng pagkain sa plato nya at nagsimulang kumain.Mataman ko lng siyang pinagmamasdan habang kumakain. "Papanuurin mo lng ba ako? o ako pa maglagay jan ng pagakain sa plato mo." "Ako na po.Kakain na po." Kumuha ako ng hotdog saka kanin. Pagkatapos namin kumain ay niligpit ko na ang napagkainan at nagbihis na .Naghihintay sa garahe c Kuya Mark at nagtitipa ng cellphone. Umangat siya ng ulo at tipid akong ngumiti. "Dala mo na ba ang mga kailangan mo? " "Opo kuya" "Mabuti naman.Bino alis na tayo!" biglaang sigaw nya. "Ito na ito na"humagangos na lumabas c sir Bino sa pituan. Pumasok ang sasakyan ni Kuya Mark sa malaking gate ng sikat na eskwelahan. Tumigil kami sa prking lot at lumabas.Nakakamangha ang ganda ng eskwelahang ito. Andaming ding sasakyan na nakaparada na ang mamahal tignan.' Mlamang mayayaman ang pumapasok dito'. Nakasunod lng ako kay kuya Mark nang pumunta ito sa registration office. Nwala namn c sir Bino nang d ko namamalayan. Pagkatapos namin magpa register ay nagsuhestyon c kuya Mark na maglibot-libot kami para ma familiarize ko din ang eskwelahan na papasukan ko. Ang laki-laki nga naman nito. Aircon pa lahat ng classroom.Kahit ung mga activity hall ay naka aircon din.Parang restaurant na din ung canteen nila sa laki at sosyal ng design. Meron ding olympic pool. Pabalik na kami sa parking lot ng may tumawag kay kuya Mark. "Hon" tawag ng babae na may katangkaran .Maputi at makinis ang balat nito. May kasingkitan ang mata na may mahahabang eyelashes.Hanggang beywang din ang bagsak na buhok. Paras artista na nga ang dating. "Hon, andito ka din pala" nilapitan ni kuya Mark ang babae at hinapit sa beywang sabay halik sa pisngi. "Yeah. May pinahatid lng c mommy sakin na papers para sa kapatid ko" anito at tumingin sa deriksyon ko. "C Francine nga pala Hon.Anak ng kasama namin sa bahay. Dito na siya mag aaral. Sinamahan ko na mag enroll." "Francine c Twinkle . Girlfriend ko" "Hello po" nakangiti kung bati dito. "Hi" nkangiti ding bati nya. Muka namn mabait . "Babe pede mo ba akong samahan sa office ni Prof Maddy .?" pakiusap ni Twinkle kay kuya Mark na nag puppy eye . Napakamot sa batok c Kuya Mark at bumaling sa akin. " France sasamahan ko muna c Twinkle. Tatawagan ko lng c Bino na samahan ka muna." ani kuya Mark at kinuha ang cellphone sa bulsa para tawagan c sir Bino. "Papunta na siya dito" ani kuya Mark matapos nitong kausapin ang kapatid. "Babe sabi nga pala ni Mommy na kung pede sumama ka sakin maya mag lunch?" "Ahmm.. pede naman. France sumama ka na lng maya kay Bino pag uwi. Papasundo ko na lng kayo kay Kuya Naldo." "Ok po Kuya Mark" Maya maya pa ay dumating c sir Bino na may kasamang barkada ata nito. Lima cla at napagitnaan c sir Bino.'Nag aartista ba ang mga to?' grabe mamn maka porma. Ang kikinis, hihihi ampopogi. Definition of white tall and handsome. "Kuya Mark" bati nung isa. "Kuya Mark . Hello po ate Twinkle." ani namn ng isa. "Hi" "Benj" ani kuya Mark. "Kuya " ani namn isa. at nagtapikan cla ng balikat . "Bino isama nyo na muna c Francine . Sasamahan ko c Twinkle sa Prof namin. At isama muna din siya pag uwi . " Napalingon namn cla sa akin at nangunot pa ang noo nung iba. "Pinsan nyo?" tanung nung isa. "Hindi anak ng kasambahay namin" ani kuya Mark. C Bino ay nakatingin lng sakin. Naiilang ako sa presensya nila kaya binaling ko sa iba ang tingin ko. "Pag papaaralin siya ni Mommy dito kaya sinamahan ko na pag enroll."dugtong pa ni kuya Mark. "Ang ganda naman ng kasambahay nyo Bino" bulong nung isa sa kasama nya. Pero nadinig nya naman pero d siya nagpahalata baka kung anu pa isipin nila kay d na siya nagbaling ng tingin dito. "Tsk " dinig nya lng nasagot. "Sumunod ka na lng" ani Bino kaya napabaling ako .Nagsimula na itong maglakad.Sinabayan ito ng ilan nyang kasamahan pero nagpaiwan ang nagpakilalang Benj at nakisabay sa paglalakad ko. "Ilan taon kana Francine" "13 po" "Ambata mo pa pala" anito at sinulyapan ako. "Sayang" mahinanh sabi nito pero umabot sa pandinig ko. "Po" "Ah wala wala" anito at kumamot pa sa ulo,. Nakita kung pumasok cla sir Bino sa pinto sa may dulo ng pasilyo.May nakalagay na "unauthorized personel keep out" sa pinto. Sumunod kami duon ni Benj.Nakaupo ang tatlo sa mahabang sofa bed.C Bino naman ay nakaupo sa swivel chair sa likod ng mesang nakaharap sa nga ito.Nakatunton ang dalawang binti nito sa ibabaw ng mesa. "Maupo ka France" ani Benj sa isa pang upuan sa tabi ng sofa bed. "Salamat "tipid kung ngumiti at naupo na ruon. "Kailan nga pala ang uwi ni Kevin" narinig kung sabi nung isa na d ko na matandaan ang pangalan. "Sa makalawa na daw" sagot naman nung Charles ata. Meron bookshelves sa gilid ko kara kumuha ako ng libro dun at nagbasabasa. D ko rin naman maintindihan ang pinag uusapan nila kaya minabuti ko nang ibaling sa pagbabasa ang atensyon ko. Halos mangalahati naku sa pagbabasa nung bumukas sara ang pintuan. D ko na namalayan ang pagtayo ng ibang kasama namin sa silid na iyon at nakalabas na pala sila.Nawili ako kakabasa at d ko na napansin pa iyon. Tiningnan ko ang gawi ni sir Bino.Naka fucos ang atensyon nya sa cellphone nya. Binalk ko na lng ulit ang atensyon ko sa pagbabasa. Maya maya pa ay may bulto na sa harapan ko. Nag angat ako ng tingin at napagtanto ko na c sir Bino na nakaharap sa akin. "Nasa parking na c kuya Naldo .Inaantay na daw tayo." "Opo" Umalis na siya sa harapan ko at nagsimulang maglakad.Dali dali kung binalik ang libro at sumunod na kaagad dito. Ang laki ng mga hakbang nya kaya napag iiwanan ako . Pakad takbo ang ginawa ko para kahit papano ay nakasunos ako sa kanya. Hiningal ako ng makarating kami sa parking lot. Napayuko ako habang habol ang paghinga. " Oh Francine bat parang hinabol ka ng kabayo " ani mang Naldo. " Babagal bagal kasi Kuya Naldo" paglingon sakin ni sir Bino. Napatikwas ang itaas na labi ko sa sinabi nya at d na sumagot dahil habol ko pa rin ang hininga ko. ' Sinadya lng talaga biniliaan ang paglakad eh ' sa isip ko. Tumàas ang kilay na at pumasok na sa kotse. " Tara na kuya Naldo at gutom na ako. Daan muna tayo sa Mcdo" " Cge po sir, Pasok na Francine dahil may pinapautos pa c maam Marivic at kelangan natin makauwi agad" ani kuya Naldo sakin. Papasok na sana ako sa kotse at sa likod ng driver seat sana sasakay ng d ko mabuksan ang pinto. "Hep hep dun ka sa tabi ni kuya Naldo. Amoy pawis ka oh" nakataas ang kilay nyang saad. D makapaniwalang napatitig ako sa kanya bago ko na realize ang sinabi nya at inamoy ang sarili ko. 'D naman ako akoy awis ah. Medyo basa nga ako sa pawis pero d ako nangangamoy pag pinagpapawisan' saka inamoy amoy ko ulit ang magkabilang kilikili ko. Tumigil ako kakaamoy ng humagalpak siya ng tawa. May pa hawak hawak pa ng tyan ang kumag na to.. Urrgghh nakakainis talaga. "Ikaw talaga sir pinagkatuwaan pa c Francine baka umiyak yan."napapangiti din c kuya Naldo dahil d a matigil tigil kakatawa c sir Bino. "D naman po ako iyakin kuya Naldo" nakangiti kung sagot at nilingon siya para paikutan ng mata. Lalo lamang lumakas ang tawa nya. Binuksan ko na ang pinto sa passenger seat katabi ni kuya Naldo at pumasok. Itunuon ko na lng ang atensyon ko labas para d na madadagan pa ang inis ko sa kanya. Dumaan muna kami sa Drive Thru ng isang fastfood bago umuwi. Agad akong nagpalit pambahay pagdating na pagdating ng bahay. Naabutan ko c mama na nagtutupi ng mga damit na nalabhan na. "Tulungan na kita jan Ma" "Wala kana bang ibang gagawin 'nak" "Wala pa po ma. " "O siya cge ikaw na muna dito at magluluto nako ng pananghalian natin." "Ma may dala kami pagkain . Nag drive thru c sir Bino. Wag kana daw po magluto at yun na daw pananghalian." "Ah ganun ba. D tapusin na natin tong pagtutupi at ng makkain na tayo." Pagtapos kumain ay nagtungo ako sa labas para magwalis. Sakto naman pagpasok ni Japhet. "Francine tama ba?" "Opo" "Kumusta naman. Nakapag pa enroll kana ba?" "Opo , sinamahan ako ni kuya Mark, Siya nag enroll sa akin" tipid kong napangiti sa kanya. "Alam mo swerte mo kasi sa eskwelahan ka nila kuya Mark pinag aral ni maam Marivic. Dati jan din sana ako pag aaralin eh kaso tumanggi ako kasi wala kasama kapatid ko pag lumipat ako" "Ambait mo naman.Mas pinili mo samahan kapatid mo kesa makapag aral sa pribadong eskwlahan" "Atsaka nahihiya din ako eh. " "Aba anu ibig mo sabihin? Wala ako hiya?!" nakapameywang kong sabi sa kanya. D ko naman gusto duon mag aral noh. Isa pa wala naman akong alam na pag aaralin ako. Nagulat nga ako isang araw sinabihan akong mag aaral na ako eh. Sa private pa. Kapal talaga nito. "Hindi naman sa ganun," kakamot kamot nyang sagot" Malaki na kasi naitulong nila sa amin.Nuong nagkasakit c Papa, tsaka matagal bago c papa nakabalik trabaho pero binibigay pa din nila kalahati sa sahod ni papa. Kaya nung inalok akong mag aral dun tumangi nako" "Ewan sayo. Hmp" "Ito talaga ang nega mo" "Ano!? D ako negra!"medyo malakas kung sabi sa kanya. Tinaasan ko pa siya ng kilay. "NE-GA, d negra ha ha ha ha" at pinag tawanan pa ako. "Tsk ewan sayo. Pumunta ka lng ba dito para mang asar ha?" Naiinis na ako sa kanya. Oi hindi ah. Inutusan kasi ako ni maam Marivic na linisin ng fountain." ngaun naman nakangisi ang kumag. "Dun kana nga. Mag wawalis pako . Istorbo ka" "Pagkatpos ko dun gusto mo tulngan kita?." may halong pang aasar pa nyang sabi. "Wag na.. alis kana nga" "Oo na. sungit naman tutulungan na nga eh" Bubulong bulong pa pero narinig ko nung huli.May sasabihin pa sana ako pero tinakbuhan na ako."Hmp. " pinagpatuloy ko na lng pagwawalis ko. Nawalis ko na buong bakuran at natapon ko na din sa basurahan lahat ng dahon na nagkalat. Niligpit ko din ung garahe. "Francine!" tawag pa ng kumag sakin. "Oh bakit nanaman. Kulang pa ung pang aasar mo sakin?." "Ito naman. Move on kana nag bibiro lng naman ako kanina eh, Naghanda ako ng meryenda .Nakakain na din c mama mo tayo na lng ang hindi pa" "Sakto kakatapos ko lng magligpit dito at gutom nako." Ambilis mo naman sabi ko na tulungan pa kita eh" " Kayang kaya ko naman noh . Salamat na lng" at inunahan ko na siyang maglakad papasok ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD