THIRD PERSON POINT OF VIEW “A-anak, ang bagay na 'yan ay m-maaari kang i-ipahamak.” Parang tumigil ang mundo ni Pauline nang marinig ang sinabi ng kaniyang ama. “M-maaari akong ipahamak...” Pakiramdam niya ay umiikot ang kaniyang paningin. Parang kaunti na lang ay bibigay na ang kaniyang katawan. Nabitiwan niya ang kaniyang hawak-hawak na bilog na bagay galing kay Wayem. Pagkatapos niyon ay unti-unting bumagsak ang kaniyang katawan. Mabuti na lamang at sa higaan niya siya bumagsak dahil hindi siya kaagad nasalo ng mga magulang. “Pauline! Pauline! Diyos ko po! Pauline! Gumising ka anak! Rolin, tumawag ka na ng tulong! Kailangan maagapan natin kaagad ito! Hindi pwedeng mapahamak ang anak natin!” Dali-daling tumakbo palabas si Rolin at halos sumigaw sa paghingi ng tulong. Nagulantang an

