Leydell HINDI ko alam ang gagawin ko matapos kong malaman ang mga impormasyon mula kay Rocket. Iyon ang ibig sabihin ni Zenon na nasa madilim siyang mundo sa ngayon. Ngunit ano ang gagawin ko? Sapat ba na mahal namin ang isa’t isa para balikan ko siya? No. Dahil alam ko sa sarili ko na babalik lang kami sa dati. Mag-aaway kami at kung ano pa. What we need is to heal. Kailangang intindihin ng magulang ni Zenon na may problema siya. Pabalik na ako sa condo kung saan kami nakatira ni mommy nang mapansin ko ang dalawang bulto sa kalsada. Ang mommy ni Zenon na naroon sa aking bungad, na hindi ko inaasahan na nakatingin sa kanyang asawa na may inihatid na mas bata at seksing babae sa nakaparadang kotse. Her husband kissed that woman on her lips before they get inside the car. Nanlaki a

