Leydell ZENON is in the dark place. That’s what he said. Ano ang ibig sabihin niya roon? May mga bagay ba akong hindi nakita o napuna. Wait for me… Ang mga salita nito ang patuloy na gumugulo sa akin. Nagpatuloy na lang ako na inabala ang sarili ko sa ibang bagay. Lumabas lang ako ng opisina nang sumapit na ang hapon. Nakita ko si Jenna na nakahiga sa isang reclining chair. Naroon din si Zenon. She was smiling and laughing together with him. Great! Yeah. Maybe being with Jenna is a darker place. Umikot ang mata ko. “Looks like Zenon was enjoying,” ani Jackie na naroon sa likuran ko. Hindi ko alam kung pinaririnig niya iyon sa akin para mas gisingin ako sa nararamdaman ko. “Alam ko na masakit, Ley. He was with Jenna. It only proves that he doesn’t love you anymore. He’s in love w

