Leydell SA PENTHOUSE ni Zenon ay kasama ko si mommy na may ilang araw nang nananatili rito sa Pilipinas para tulungan ako sa business ko. Nabigla rin siya sa inakto ni Zenon na basta na lang umalis ng apartment matapos akong ihatid. “That cunt!” ani mommy matapos malaman na umalis si Lizel sa tirahan nito nang walang bakas kung saan nito dinala si Cameron. Naroon kami sa dining area. Doon siya madalas na magtrabaho sa pag-aasikaso niya sa LoveChic at Yoni. Nakasandal ako sa fridge habang panay salin ng tubig sa baso. “Hindi ko alam ngayon, ‘Ma, kung saan hahanapin si Cameron! Natatakot ako sa lagay niya lalo na nang malaman ko na ginugulpi si Lizel ng kanyang kinakasama.” Umasim ang kanyang mukha at tila hindi makapaniwala. “Fvck! She’s so fvcked up! Parang hindi siya nadala kay C

