"Is that clear, Amanda?" Tanong sa kanya ni Kian makalipas ang ilang secundo na pananahimik niya matapos marinig ang mga sinabi nito sa kanya. Humugot siya ng malalim na paghinga habang nakatingin sa asawa na umiinom ng alak sa kopita nito. "Pero ikaw pwede kang uminom ganon ba Kian?' Taas kilay niyang tanong sa asawa. Parang unfair kasi sa kanya ang mga sinabi nito. Para siyang bata kung pagsabihan nito. Eighteen na siya at alam na niya ang dapat at hindi niya dapat gawin sa mga ganitong okasyon kasama ang asawa niya. Hindi siya batang musmos na kailangan pang pagsabihan na huwag siyang malikot at baka makabasag. Isa pa ganoon na lang ba kababa ang tingin sa kanya ng asawa na malakas siyang uminom at pag nalasing nagwawala sa dance floor? Maybe yes, gawain niya ang bagay na iyon befo

