"I am hoping na makasama kita mamaya sa pa party ni Vice para sa atin," malambing na saad sa kanya ni Lira nang matapos na ang conference at nagmamadali na siyang magligpit ng gamit para makaalis na at puntahan ang asawa sa hotel room nila. Alam niyang kanina pa siya hinihintay ng asawa roon. Nabanggit kasi niya nang puntahan ito na malapit na silang matapos sa conference, iyon nga lang tumatagal pa sila ng halos dalawang oras dahil sa kahihintay sa isang pulitiko na late dumating. "I am not sure Lira kung makakaattend kami mamaya ni Amanda, baka kasi may ibang plano ang asawa ko," tugon niya. May ibang plano naman kasi talaga sila ng asawa, mas gusto nila ang mag stay sa hotel room nila at doon na lang mag explore sa isat-sa, tiyak pang adventure ang kanilang gagawin. "Pwede namang ika

