"Which one is better, kaya? this one or this one?" Tanong niya sa sarili habang hawak ang dalawang lingerie na pinagpipilian niyang isuot mamayang gabi pag hindi na busy si Kian, para naman mangyari na ang matagal na niyang pinapangarapa ang angkinin siya ng asawa sa kama mismo, kahit pa sabihing hindi pa nila kama ang kama ng hotel room. "I can't decide. Ang hirap naman," simangot niyang saad. "Mabuti pa subukan ko isa-isa at kung wala akong magustuhan pwede akong bumili sa ibaba mamaya," saad pa niya sa sarili. May nakita naman kasi siyang mall sa ibaba kaya pwede siyang bumili ng ano mang kailangan niya roon. Binaba na muna niya ang isang lingerie sa kama habang hawak ang napiling unang isukat. Maghuhubad na sana siya ng damit nang bigla namang bumukas ang pintuan ng silid, napapit

